Sunday, February 22, 2009

Our Love Story



our love story
May 17, '08 2:06 PMfor everyone

We were in the same university taking up same course, same section, that's how destiny brought us together. We have different set of friends during our first year kaya naman nobody will think na magiging kami, yung close friend ko pa ung attracted sa kanya.We became friends during the last sem in our second year pero di ko akalain na attracted na pala sya sa akin,, hehehe,,,I remember him making kwento of other girls of his interest and ako naman I advice him on how to earn "pogi points" not knowing na he is trying to get my attention pala,(manhid me,,, hehehe,,,di pa ubra diskarte nya) hahaha! One time parehas kami late sa klase, we ended seating together at the back, medyo boring kase yung klase at hindi pa namin major subject, meron akong pinasagutan sa kanya, siguro pamilyar kau dito medyo corny nga lang hehehe, he needs to answer these yung mga fav no,fav color,name 3 special opposite sex, fav songs, etc and after nya masagot that's the time he will know the meaning of his answers, and nung sa part na ng sa girls sabi ko sino lalagay then he said "lagay mo ikaw, ay sabi ko ayoko, make it serious naman, but he really insists at sya na yung nagsulat ng name ko, may meaning kasi yung spot ng mga nilalagay na name, and yung meaning ng name ko dun sa particular spot na yun ay "LOVE OF YOUR LIFE",,, hahaha!!! During that time ang alam ko talaga he is just joking, as days passed we became close friends especially nung time na maysakit si mazhe, he made me feel that I am not alone, sya yung sumasama sa akin pag dumadalaw kay mazhe. Since medyo malayo bahay ni mazhe and masyado naapektuhan yung health nya she decided to stay near the school, the 3 of us were very close that time kaya kami yung kasama nya nung need nya kunin yung mga gamit nya sa bahay nila, and you know what mazhe's dad thought that we were lovers ni mark, hehehe,,,honestly that time manhid yata talaga ako,,, hehehe,,, I didn't know that he has feelings na pala for me,,, hehehe,,
We enjoyed each other company, naging close yung buong klase namin, umaattend kami ng bible study with pastor bong and ma'am luisa, di ko alam si mark pala nagcoconfess pala ng feelings nya for me kay pastor bong and kinakausap naman ako ni pastor bong asking me what if someone is admiring me blah blah blah,,,pero di nya sinasabi kung sino, wala talaga ako alam i thought it's just a part of his being our counselor. Dumating yung birthday ko, kumain kami sa jollibee with mark and 2 of our other guy friends binigyan nila ako ng baloons, hehehe, afte naming kumain I need to go back sa school kasi may meeting/rehearsal kami sa dance troupe, hinatid nya ako at nagulat ako kasi he handed me something sinulat nya yung excerpt ng LITTLE PRINCE, I am very touched, sa isip ko ang bait nya at ang sweet, pero talagang mabait naman talaga sya kaya hindi pa rin ako nag isip ng kahit na ano. Simula noon I considered him as one of my real friends, nag oopen na ako sa kanya about my family, my heartaches, my favorites, my weakness,yung kasaman ng ugali ko hehehe, basta yung mga kadaldalan ko ever,hehehe. Minsan makareceived ako ng text from him nakalagay dun "I QUIT", I talked to him agad and I asked him what does it mean, and yet he denied na tinext nya ako, (ewan ko cguro natorpe ata) pero he's courting na pala and im not aware of his feelings, medyo nagalit ako kasi I felt I was betrayed kasi nung nareceived ko yung text nya dun ako napaisip kung may iba pa syang intention, ayoko din kasi nung friend ko tapos manliligaw kasi I'm afraid na mawala yung friendship. inignore ko lang kasi di pa naman sya nagtatapat ayoko mag assume noh,,, hehehe,,, naging friends pa din kami, sumasabay sya sa akin pag uwi ang dahilan nya taga TONDO sya kaya sa tayuman sya sasakay at yung dorm ko ay nasa MORAYTA at dun daw sya sasakay papuntang tayuman, pero pwede pala sya sumakay from our school,,,(hmmm???) One time pasakay na kami ng jeep sa tapat ng luneta sabi nya kung nagmamadali daw ba akong umuwi pwede daw kwentuhan muna kami, sabi ko sige ok lang ala naman ako gagawin sa dorm, tapos napansin ko ako lang yung kwento ng kwento at sya tahimik lang, enjoy na enjoy sa mga kwento ko. HAbang naguusap kami may kababayan ako na nakakita sa amin, nung umuwi ako ng province kwento me ng kwento sa inay ko bout nangyari sa akin the whole week, about my friends, then yun sabi nya na nakasalubong daw nila ng ama ko yung nakakita sa amin ni mark, and sinabi na nakita nga daw ako may kasamang guy, ninerbyos mom ko kasi istrikto ang ama ko kaya inunahan nya yung guy sabi nya friend ko yun, pero sinabi nang inay ko kinabahan daw sya, sabi ko sa inay bkt sya kakabahan kaibigan ko lang si mark and hindi naman nanliligaw, basta sabi lang nya ewan ko ga kung bakit ako kinakabahan, i just ignore her i thought its just normal for she is my mom, pero naisip ko dami ko guy friends o suitors na kinukwento pero yung kay mark lang sya kinabahan e dat time di pa nagtatapat si mark.
Naging complicated lahat ng sinabi na sa akin ni mark yung feelings nya, medyo nailang na ako kaya hindi na ako nagpapahatid sa kanya, umiwas na ako sa kanya but he keeps on sending me letters, texts or bigla ko na lang sya makikita sa dorm. Naging persistent sya, siguro dahil sa mga kwento ko alam nya kung paano ako maghandle ng suitors, alam nya masama ugali ko sa mga manliligaw ko, kung pwede iwasan ko iiwasan ko talaga, gusto ko yung may effort, kung pwede mahirapan papahirapan ko, alam nya na ayoko tatanungin ako kung "pwedeng manligaw" hayyy, kaya sabi ko sarili ko dahil kilala nya na ako pagdating sa ligawan, ayoko talaga kaya halos maguusap kami binabasted ko sya (pero sa lahat naman ng suitors ko ganun talaga ako) naku mahabang kwento pa ito, to make it short July 14 2001, 4th year kami we were texting and I dont know what happened dun ko na sinabi ung "YES" he was going to mindoro that time kasi debut ni erma.


I told him na kami na PERO (may kasamang kundisyon)
1. Hindi sya lalapit sa akin sa school.
2.Ako ang magsasabi sa barkada namin.
3. Di pa sya pwede pumunta sa bahay kasi strict ama ko.
4. No kissing, hold hands lang kami.


Nag agree naman sya, pero tuliro pa din ako kasi naman 1st bf ko sya, I dont know what to do.
JULY 17, kinakabahan ako kasi yun yung first time na magkikita kami after ko syang sinagot, buong araw ko syang iniwasan, pero habang natatapos yung araw kinakabahan ako kasi alam ko na kailangan kong makauwi ng di nya namamalayan. Last subject namin soil mechanics 7:30 ung tapos ng klase namin, ang bilis ng lakad ko pauwi bigla may tumatakbo na humahabol sa akin, c mark na ihahatid daw nya ako, grabe ha, kakaiba ako that day kasi may panyo akong dala hehehe, hindi ako nagpapanyo kasi. palagi nakatakip yung panyo sa mukha ko kasi naiilang talaga ako,,, hehehe,,, nag usap kami gusto nya yung araw na yun yung official date namin ayaw daw nya yung sa cp lang.
After two days, JULY 19 malakas ang ulan, hinatid nya me kaso bahang baha ang espana naghanap kami ng madadaanan yung time na yun kahit stranded na lahat madami estudyante, worried na ako kasi may curfew ako, ito yung first time naming maghold hands, hehehe (enjoy na enjoy c mark) tapos binuhat pa nya ako para itawid sa baha.
August 17, 2001, first monthsary namin, eto na naman ako di ko alam gagawin ko, hehehe,,, after ng klase namin tumakas na naman ako, niyaya ko si jaz manood ng sine MOULIN ROUGE nag enjoy naman kami, hinahanap na pala ako ni mark, tapos may nakabanggit ata na nanood kami ng sine kaya nagulat ako paglabas namin ng sinehan andun si mark naghihintay sa amin, (bad ko talaga). He's so mabait talaga at ang swerte ko kasi mahal na mahal nya ako. Eventually nasanay na din ako, since that time madami akong fears, expectations, may pagkachildish ako, pasaway palagi, away bati kami and it's just normal for two individuals na nasa isang commitment na magkaroon ng arguments because we raised in different way. First bf ko sya at first gf nya ako kaya nahirapan din kami mag adjust, nahirapan na masaya. What I really love about him is that he is very true and resposible, he knows what he wants and he knows what will make him happy. Sa akin umikot ang mundo nya at ako din naman sa kanya. Pag ihahatid nya na ako sa dorm, ang di ko makakalimutan sinasabi nya palagi ay "pagkatapos ng araw, pagkatapos gawin lahat ng dapat gawin sa isang araw, pagkatapos makasama mga kaibigan, sa huli kami lang ang magkasama".
Now mag seseven years na kami as BF-GF, at isang taon na kaming kasal ngayon. He asked me to marry him after nyang makuha yung IPA nya, it means in a month need nya na umalis for singapore to work, he asked me kung okay lang simpleng kasal lang muna and after nya makaipon he will marry me again, ayaw daw nya umalis hanggat di pa kami kasal, I said "YES", four days before ng flight nya ikinasal kami. After 1 1/2 months andito na din ako sa singapore with my hubby. We are starting now in planning the wedding, we are scouting for the venue and other details, mahaba pa naman ang oras namin, we still have 1 1/2 years to plan for our BIG DAY hehehe...

2 comments:

  1. sis zigrid,

    ngayon ko lang nabsa toh. may mga conditions talaga..hehehe..I'll add your blog to our wedblog po ha http://averyspecialevent.blogspot.com

    i'll also link it to my other blog http://aperfectoverview.blogspot.com

    I usually update lang our wedblog for mga wedding details and kwentos, pero the other blog it's for my everyday life.


    -khim ni roj-

    ReplyDelete
  2. hi sis..was here..nice love story ;)

    ReplyDelete