Wednesday, February 5, 2014

Grown Ups' Watercolor

Hola Friendships!!! 

Di ba dyetang dyeta ako sa mall sa lugar namin, dito naman puro shops at may malls din hehehe ang saya saya, 2 days na kaming ganun lang ang ginagawa tapos mas masaya pa kasi sale dito, di pa nga kami nakakapunta sa mga tourist spots dito like sagrada at gaudi hehehe,,, kain, lakad, shopping ng konti lang kami hehehe,,,un ung gusto namin sa trip na ganito no pressure basta masaya na kami na ganun hehehe,, pero baka sa later part puntahan din namin yung kayang puntahan :)
Ang ganda ng weather sikat na sikat ang araw,  di gaanong malamig yung parang summer lang sa norway ang lamig hehehe,, nung monday naka t-shirt lang ako, ako n lang nahiya sa mga nakakasalubong ko kasi naka jacket sila, pero sa gabi lumalamig na din. di kami nakamali ng pagpili kasi gusto namin yung makakalakad na di gaanong malamig kaya pinagpilian pa nmin santorini pero kasi parang wala kaming magagawa dun reserve na lang sa ibang panahon. ang daldal ko na naman hehehe...sensya na hehehe...
sobrang happy pa ako sa hotel namin, ang ganda ng layout, malinis, yung location nya very close sa la ramblas kung saan hilehilera ang mga shops :)

kaso kahapon hahaha natuliro ako sa sale ata hehehe,, naiwan ko yung binili kong damit sa zara huhuhu sa di ko alam kung saan ko naiwan ang ganda pa naman nun 2 items lang naman pero di ba pag sale agawan yan at konti ang size saka nawalan ako ng gana parang natrauma, ako binalikan ko na lahat ng mga dinaanan namin waley na sya pero buti un lang at konti lang at di yung bag ko, nanghinayang talaga ako bye bye  23 euro wahuhuhu. 

Wala tuloy ako nabili kahapon kundi undies saka sumbrero wahehe nakabili pala ako ng shoes sa zara kasi masakit na paa ko sa boots na suot ko di na carry talaga maglakad kaya nagpalit ako. Super sale talaga may mga blouse na tig 4 euro lang, maganda na yung 10 euro na blouse, may jacket na sale din  kaso hinahanap ko talaga yung mga padded na jacket na pang norway kasi malamig talaga dun, e dito mga trench coat yung style, kahit sa hindi sale wala talaga sila, may dress na 12 euro kaso yun nga lang talagang need mamili talaga ng ayos saka yung iba di ko din type kaya dasal nga namin ni husband na sana magdagdag sila o kaya maglabas ng mga new items nila before kami umuwi.

Sobrang naawa ata ang asawa ko sa akin kasi di ako makaget over sa nawala kong binili, kaya to cheer me up binilhan nya ako ng Naked 3, ang saya, parang na relive yung time na gradeschool tayo may watercolor hehehe 



48 euro sya sa sephora, nakakita din ako ng clarisonic mia2 kaso ang mahalia nya heheeh 149 euro, dami ko ng mabibiling tig 10 euro na damit nun hehehe,,, 
medyo need ko din kasi ng eyeshadow kasi pag umaattend ng party waley talaga ako magamit hehehe,,, 

idlip muna ako ulit mga friendships, more kwento soon :) 

2 comments:

  1. Uy dream ko 'to! Eto yung nakalimutan ko hanapin sa SG :(

    post a review ha :) or your photo wearing this shala makeup haha

    PS inaantay ko, baka may bago ka na naman na LV hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Diane!!! may post si Shayne about review ng Naked 3, alam mo naman ako di expert sa ganun hehehe.
      Naku waley akong bagong LV hehehe,,,wala ng budget para sa LV hihihi,,,,=)

      Delete