I've been busy last week kaya bonggang katahimikan ang aking blog. Almost every day ata may dinner kami with our bosses welcome party, farewell party, tapos hindi pa din ako gaano makatulog everyday yata last week ay 3 hours lang ang tulog ko, and then something happened to me last thursday. I was preparing to work when I noticed that my monthly period came, oh-em-gee ang aga nya ha, for me na palaging delay tapos ngayon saktong 30 days, I was a little nervous sabi ko baka hindi mens paranoid ako e baka I am having a miscarriage, dahan dahan akong maglakad papuntang mrt, tapos nung malapit na akong bumaba sa jurong east iba na ang pakiramdam ko, parang hindi ako makahinga, tapos nanlalamig na ako at parang nanlalambot na ang tuhod ko, I experienced that before a few times na when I was a kid until my early years in college kaya alam ko na ang ending ay unconscious na zigrid, sabi ko lagot pano pag nawalan ako ng malay dito e wala akong kakilala pa naman san ako pupulutin, I prayed na sana mawala yung sama ng pakiramdam ko then I started calling my friend Abie who is working in Jurong East sabi ko madali nya ako mapupuntahan kaso naka off ung cp nya, I tried to call my friend/hausmate Jaz kasi yung way nya ay papuntang bouna vista pwede nya along balikan kung sakali naka off din kasi nakasakay din sya ng mrt, I tried to call mark hindi din nasagot, I just stayed calm at dahan dahan ang paghinga ko, unti unti ng lumliit ang tingin ko at black na yung gilid, tapos nung palabas ko ng mrt I tried as much possible na sumiksik sa mga tao para marating ko ung upuan na malapit sa elevator(un kasi naisip ko tawagan ko c mark na sya na magtawag ng ibang friends na dun ako pupuntahan) para just in case mawalan ako ng malay e hindi ako diretso sa floor may tao akong masasandalan, buti na lang malapit lang yung upuan naupo ako tapos sakto tumawag si Jaz sabi ko "sis masamang masama pakiramdam ko pakipuntahan ako dito sa jurong east" habang pabalik si Jaz nakontak ko naman si Mark ayun na kausap ko na sya the whole time.
Kaya lesson learned din wag abusuhin ang katawan, eat well, sleep well yan ang aking everyday must ngayon.
I thank God for keeping me safe, for my friends here sa concern nila at love,,, I am praying na sana lahat ng plano namin ngayong 2013 ay yun din ang plano ni God for us. I don't feel disappointed if hindi pa kami magkababy ngayong month although we tried, kaso naman naman sa lahat ng blessings na binigay ni Lord sa akin may mahihiling pa ba ako, everything is according to His plans and kahit kelan hindi nya kami pinabayaan.
Everything is ok now sobra na nga ang pahinga ko ulan ng ulan kasi dito sa SG kaya sarap matulog. Syempre I will end this post with a good news naman I will be coming home next month for a 7 day vacation, timing din kasi my bestfriend will be joining her husband in QATAR sa March, kaya we still have some bonding moment before she go.
God bless us!!! =)
Thank God you are safe :) You have angels out there.
ReplyDeleteSabi nga nila ang trabaho hindi mawawala yan. Iwan mo dyan, nandyan pa din yan pangbalik mo. Pero ang health mo, kapag napabayaan mo.. hindi ka nyan hahabulin pabalik :)