Now I am photo blogging, yep alam nyo naman ako how I love taking pictures of myself hahaha,, kaya warning na from me a lot of photos will be posted here....
My first photo is our first picture together after more than 4 months of being away with each other.
I left Singapore on the night of Dec 22, I tell you ang hirap mag empake hihihi, plus I need to keep the room tidy na hindi ko din nagawa atleast nagbawas ako ng clutters, nawala na tuloy ang aking mga New Year rituals like red na bed cover, saka ung ubas sa pinto at bintana (lahat kasi un sinasabi ko lang kay hubby at pronto na meron na) pinakamadali na ginawa ko naghagis ng coins sa room hihihi,, isa pa na naexperience ko ang lungkot pala umalis sa airport ng walang naghahatid (hahaha).
I was seated for 13 hours in a very narrow seat, it was the longest trip I had in a plane tapos wala ako kausap man lang, buti na lang nasa aisle ako palagi kasi ako nawiwi saka pag dun ako sa window seat feeling ko maiinis ako ( alam nyo ung maiinis na term minsan ginagamit namin un sa parang feeling na suffocated) at eto pa everytime I go to the toilet I had to bring my shoulder bag with me, tinakot kasi nila ako na wag iiwan kasi baka mawala and iba na nga din ang nag iingat, buti na lang naka off ang lights di masyado kakahiya. At habang hirap na hirap ako matulog bigla nadagdagan ang pangarap ko sa buhay... Ang makasakay sa eroplano sa First Class Seat, naexperience ko na dati ung Business Class e naupgrade lang naman during my business trip dati kaso short trip lang jun, gusto ko yung katulad hung nasa Sex and the City the movie yung scene na pupunta sila ng Dubai, type ko din ung mga post ni Chuvaness pag may trips sya.
After ng 13 hours I had to wait for 5 hours layover sa Germany, then another 1.5 hours papunta sa Stavanger where my hubby lives now. Papalabas ako sa exit, I was looking for husband dear dun sa mga taong nakaabang na may mga placards, bigla may sumulpot dun sa gitna si husband na nga at may dalang flowers hahaha,, sabay kiss sa akin,, hiyang hiya ako kasi kung maiimagine nyo andun ako sa may maliit na parang exit tapos sa harap ko madaming tao tapos bigla sinalubong na ako dun ni hubby, all eyes were with us hihihi,, sulit ang pagod sa byahe....
My second picture is I will call... Breakfast in Bed
My first breakfast in Norway, syempre di mawawala ang aking request na afritada hihihi.
After the breakfast, Mark toured me around and it was my first hand experience with snow. Kwento lang ang bait ni God this is my first and last na naencounter ko ang snow hehehe after this e carry ko na ang weather. After a small walk e bilis bilis na kami mag prepare for our trip to Milan where we celebrated Christmas and New Year, as you all know I am very close to my family kaya I am very happy to visit my Ninang and Ate Lourdes at Kuya Nolie dun.
The next pictures are the happy faces of my husband
hahaha!!! |
Ang sweet ng guy, the parents of the girl were there also, I saw the mom crying *tears of joy*
Next pictures are all about dates, food kaya wag kayong magtaka pag wala munang outfit of the day sa kadahilanang tumaba po ako hihihi!!!
first time ulit manood ng sine,,, dito sa Singapore ito yung pinaka love naming gain, hilig pa namin manood dito ng last full show pag friday or saturday night. |
McFlurry Pistachio Flavor |
Ang ganda lang ng ceiling sa Vatican Museum
Look I met Hermoine in Milan...
It is also very nice feeling to see Kababayan in a foreign land,,, met with 2 beautiful nice Sisters.
I am not a catholic but I am very respectful sa ibang religions, mas tinitngnan ko kasi yung attitude ng tao, paano sila makipag kapwa tao, nakakalungkot lang na meron akong mga nakikita na every week mag simba at palaging may dalang bible pero puno ng inggit at mapanghusga naman,,, well ako talaga I really admire nuns, kasi ako sa sarili ko hindi ko kayang magsakripisyo katulad nila kaya I have my high respect with them. Sabi pa nila I pagppray daw nila kaming mag asawa. Thank you po Sisters!!! =)
Ako ang bunso hihihi
Love you both.... my Ninang and my Ate Lourdes.... |
Happy me =) =) =)
Good night friendships!!! sa uulitin!!!! mwahugs!!!! =)
Ang dami kong emotions ng binabasa ko 'to!! Napangiti, kinilig na may halong inggit factor haha You are so blessed friendship :)
ReplyDeleteOf the few countries I visited, I always travel on my own. Ewan ko ba, laging naiiba yung flight ko sa lahat. My first trip abroad ako lang din mag-isa kaya relate na relate ako. Typical Pinoy, PRANING! laging yakap din ang bagelya haha
Never mind the distance, ang important you have each other.
At bakit walang OOTD???!! Hahaha
PS Nahiya yung bag ko sa LV mo hahaha Ikaw na haha
Hello D!!! ang hirap talaga ng mag isa kabado palagi hihihi!!
ReplyDeleteSee u soon,, lapit na!!! =)
Wow enjoy na enjoy. Happy for you. :) at wow, may bagong LV na naman. :)
ReplyDelete