Happy Sunday mga Kapatid!!!!
After a tiring and depressing week last week, I am happy to start a better week today!!! Depressing daw oh (dramatic actress lang ang peg) hehehe,, but seriously I was emotional last week especially last friday, ewan ko ba as usual overtime na naman ako last friday tapos gutom ulit oh well palaging gutom hihihi (un kaya ang main reason hihihi) I went again to Bonchon in Iluma kaso box office hit ang peg nila, ayokong kumain sa punong resto tapos ako lang mag isa sa lamesa oh ha,, that's depressing di ba? Balik ako sa Bugis Junction, nakita ko NYDC ata yun e wala gaanong kumakain oh well afraid ako baka di masarap pero gusto ko ng lumamon ng isang buong cheesecake hihihi, naalala ko ang Nando's masarap ang chicken dun pagdating ko pila din hay,,gusto ko ng pumunta ng sommerset at kumain sa Ramenplay kaso di na kaya ng gutom ko tapos saka ko naisip Friday pala ahahay,,, uwi na lang kaya ako sa probinsya kung saan ako nakatira pihado wala gaanong tao may Pastamania dun hihihi, hep hep hep, napadaan ako Billy Bombers aba walang tao pero sure ako nung last time na kumain kami dito sa Cathay ni Mark sinabi ko sa kanya yun na ang last di ako nag enjoy hihihi mataas ang expctation ko kasi pero yung food is so-so lang tapos pricey pa, oh well gutom na talaga ako kaya I gave in na din nag expect na lang ako na pihado di ko gaanong magugustuhan, para safe I ordered carbonara and ice tea, yun lang at 20+ sgd na ang binayadan ko well thank you pa din Billy Bombers salamat dahil you pacify my growling tummy hihihi. (pero mas masaya pa ako sa 11sgd na kinain ko sa bonchon dati -just saying)
Husband is moving to a new house na, he will rent a 1 bedroom flat, kaya gustong gusto ko nang pumunta dun,, excited ako sa bahay bahayan set up na kaming dalawa lang, walang iniisip na iba as in kami lang, excited na ako sa simpleng buhay lang, if ever na wala pa ako work I imagine myself cooking for our meals, punta sa mall which is sabi ni husband ay walking distance lang, buy some home deco na mura lang, gusto ko ung misis na misis ang peg tapos balik yung aming usual fridate na nood ng sine, o kaya movie marathon sa house, midnight snacks, I miss those days hihihi,, kaya I told Mark eto na yung pang engganyo nya sa akin na pumunta dun di pa nagtatanong yes na yes na agad hihihi dati kasi nung nagpunta sya dito sa Singapore ang pang excite nya sa akin pagpunta ng Singapore ay WAREHOUSE, yesterday habang gala mode ako sa ION nakita ko yung Warehouse malapit kasi sya sa Forever 21, napatawa ako at nipost ko sa FB yun, may kwento kasi yang Warehouse na boutique na yan sa pagsasama naming mag asawa hehehe,,
Mark in Singapore more than 5 years ago, habang kausap ako sa phone,
Mark: Hon pag punta mo dito magaganda ang damit, andito yung Warehouse bibilhan kita dun ng damit,
Ako: Hon ano yung Warehouse? (heheheh ignorante ako e)
Mark : Yung Warehouse dun yung mga damit ni Toni Gonzaga.
Ako: Talaga!!! (naexcite)
Sobrang gandang ganda kasi ako kay Toni Gonzaga, yung mukha nya kasi ay hindi yung mestiza pero yung habang tinitingnan lalong gumaganda hindi nakakasawang tingnan, (pero tingin ko kaya ko sya gusto kasi dahil sa panga nya hehhee,,, jinustify kasi nya na kahit mapanga ay pwede ding maganda heheh,, alam nyo naman ako ma-PANGA e ewan ko ba bakit while I was growing yung mga square jaw ay hindi maganda sa pananaw ng karamihan at yung oval shape, heart at round shape ng mukha yun ang definition ng maganda~ may hinanakit sa mundo ang peg hihihi)
Yan yung kwento ng Warehouse na yun, pero hanggang ngayon di ko alam san napulot ni Mark na mga damit ni Toni ay Warehouse hehehe,,, at ito lang yung pangako ni Mark na natatandaan ko na di nya natupad hanggang ngayon hihihi,, (pero no worries hon di ko namna type yung mga damit dun parang sobrang formal which is not me)
Naku nobela na ito, sorry naman. Eto share ko na what I found in Forever 21 yesterday,, a polka dots pants,, so nice noh, I'm thinking pa what to pair with this.
Because of this happy na ulit ang mood ko. O sya merienda na tayo, 2:40pm na, teka teka mag nap ba ako o mag merienda, wahehehe kaloka,, =)
Happy Mood to everyone!!! =)
Ang fierce ng pants mo! Pero sure ako bagay yan sa yo!! Matched with your black flats from mango, pak! :)
ReplyDeleteNagulat ako dun sa presyo ng BonChon dyan sa SG.. mahalia teh! Parang kinabahan tuloy ako sa magagastos ko hahaha As in Php 300 per isang tao??? Sa P'nas Php 120 lang busog na eh haha
Take care and kapag makakakita ako ng branch ng Warehouse sa Pnas eh ikaw na din maalala ko hahahaha
Ang ganda nya lang tingnan pero kinakabahan ako isuot, ewan ko ba yan ngayon ang mga trip ko na pants yung may mga kulay tapos yan first time ko lang na may prints yung pants hehehe,,
Deleteyung sa bonchon, 4 pcs na wings un, tapos kanin tapos green tea. yung mga mcdo mga 5-6sgd yung meal dito. Dinner tayo with AC pagpunta nyo dito.
Tenchu Diane, ingat din palagi. God bless. =)
Shoot! You know my number, Giday. :)
DeleteTawag sa kin ng kapatid ko Toni G kase puro daw ako panga. Ewan ko nga ba baket parang nawala ngayon, siguro kase napalitan ng taba kaya puro na lang ako pisngi ngayon. Hahahaha.
ReplyDeletealam mo ba lately ko lang nalaman na pag chew ng matigas ay nakakalaki ng panga, kaya ngayon conscious ako sa pagnguya hihihi,, Ingatz AC, God bless. =)
DeleteHello Sis! Kamusta? Hope things are doing well from your end.
ReplyDeleteJust got back to Middle Earth kaya ngayon lang ulit nakadalaw sa blog mo... back reading. :)
Take care!
Hello sis, musta? Ok nmn ako, kita ko mga pics nyo happyng happy kayo. Cute ni baby Bree! God bless sis. : )
ReplyDelete