Wednesday, January 30, 2013

Outfit of the Day: Fearless Polka

Hello sisters!!!

Eto na yung kinatuwaan ko na pants nung saturday, gaya ng advice ni Diane yung mango na flats na black yung suot ko na shoes kaso lang di nakasama sa pictures, alam nyo naman sa salamin lang ako nakakapagpapicture hehehe,,




Plain and simple yung top with a fancy necklace ang iminatch ko sa takaw pansin na pants na ito, medyo sumablay lang ako sa bag, sobrang late na kasi ako kanina kaya di ko na napalitan yung bag ko.  

Good night everyone!!! Puyat na nman ako. =)





One More Try

Napanood nyo na ba this movie One More Try, Im sure ako na ang huli, sorry naman ganyan talaga pag wala sa sariling bansa di maexperience na makapanood ng MMFF wahehehe,, 
Bakit ba puro ganito ang tema ng mga pelikula ngyon?  Heniways, sa mga nakapanood kaninong team kayo Team Wife Angelica P. o Team Angel Locsin? Ewan ko siguro dahil I am married kaya Team Angelica ako, hehehe, di ko nga lang nagustuhan yung pag arte ni Angelica sa movie, pero nadala na lang sya ng character, pwede pala yun lalo at nakakarelate ako, sa movie kasi hirap sila magkaanak ni Dingdong, tapos long ago naman nabuntis ni Dingdong si Angel, kaso may sakit yung anak nila at kailangan ng donor ng bone marrow, hanggang sa option ay bigyan nila ng kapatid yung bata para yun yung magiging donor, basta ganun ung story nya, ako naman if ever ako si Angelica ewan ko lang ha since may mga bata na involve siguro ilelet go ko na lang ang asawa ko para mabuo sila as family.

Yung brother ko binibiro nya ang Inay na baligtad daw sila ng dialogue ni Angelica, 


Ang sa inay daw na version ganito :

"Ang pasensya ko di basta basta nauubos pero ang pera ko konting konti na lang" hehehe

Sunday, January 27, 2013

Polka dots

Happy Sunday mga Kapatid!!!!

After a tiring and depressing week last week, I am happy to start a better  week today!!! Depressing daw oh (dramatic actress lang ang peg) hehehe,, but seriously I was emotional last week especially last friday, ewan ko ba as usual overtime na naman ako last friday tapos gutom ulit oh well palaging gutom hihihi (un kaya ang main reason hihihi) I went again to Bonchon in Iluma kaso box office hit ang peg nila, ayokong kumain sa punong resto tapos ako lang mag isa sa lamesa oh ha,, that's depressing di ba? Balik ako sa Bugis Junction, nakita ko NYDC ata yun e wala gaanong kumakain oh well afraid ako baka di masarap pero gusto ko ng lumamon ng isang buong cheesecake hihihi, naalala ko ang Nando's masarap ang chicken dun pagdating ko pila din hay,,gusto ko ng pumunta ng sommerset at kumain sa Ramenplay kaso di na kaya ng gutom ko tapos saka ko naisip Friday pala ahahay,,, uwi na lang kaya ako sa probinsya kung saan ako nakatira pihado wala gaanong tao may Pastamania dun hihihi, hep hep hep, napadaan ako Billy Bombers aba walang tao pero sure ako nung last time na kumain kami dito sa Cathay ni Mark sinabi ko sa kanya yun na ang last di ako nag enjoy hihihi mataas ang expctation ko kasi pero yung food is so-so lang tapos pricey pa, oh well gutom na talaga ako kaya I gave in na din nag expect na lang ako na pihado di ko gaanong magugustuhan, para safe I ordered carbonara and ice tea, yun lang at 20+ sgd na ang binayadan ko well thank you pa din Billy Bombers salamat dahil you pacify my growling tummy hihihi. (pero mas masaya pa ako sa 11sgd na kinain ko sa bonchon dati -just saying)

Husband is moving to a new house na, he will rent a 1 bedroom flat, kaya gustong gusto ko nang pumunta dun,, excited ako sa bahay bahayan set up na kaming dalawa lang, walang iniisip na iba as in kami lang, excited na ako sa simpleng buhay lang, if ever na wala pa ako work I imagine myself cooking for our meals, punta sa mall which is sabi ni husband ay walking distance lang, buy some home deco na mura lang, gusto ko ung misis na misis ang peg tapos balik yung aming usual fridate na nood ng sine, o kaya movie marathon sa house, midnight snacks, I miss those days hihihi,, kaya I told Mark eto na yung pang engganyo nya sa akin na pumunta dun di pa nagtatanong yes na yes na agad hihihi dati kasi nung nagpunta sya dito sa Singapore ang pang excite nya sa akin pagpunta ng Singapore ay WAREHOUSE, yesterday habang gala mode ako sa ION nakita ko yung Warehouse malapit kasi sya sa Forever 21, napatawa ako at nipost ko sa FB yun, may kwento kasi yang Warehouse na boutique na yan sa pagsasama naming mag asawa hehehe,,

Mark in Singapore more than 5 years ago, habang kausap ako sa phone,

Mark: Hon pag punta mo dito magaganda ang damit, andito yung Warehouse bibilhan kita dun ng damit,
Ako: Hon ano yung Warehouse? (heheheh ignorante ako e)
Mark : Yung Warehouse dun yung mga damit ni Toni Gonzaga.
Ako: Talaga!!! (naexcite)

Sobrang gandang ganda kasi ako kay Toni Gonzaga, yung mukha nya kasi ay hindi yung mestiza pero yung habang tinitingnan lalong gumaganda hindi nakakasawang tingnan, (pero tingin ko kaya ko sya gusto kasi dahil sa panga nya hehhee,,, jinustify kasi nya na kahit mapanga ay pwede ding maganda heheh,, alam nyo naman ako ma-PANGA e ewan ko ba bakit while I was growing yung mga square jaw ay hindi maganda sa pananaw ng karamihan at yung oval shape, heart at round shape ng mukha yun ang definition ng maganda~ may hinanakit sa mundo ang peg hihihi)    
 
Yan yung kwento ng Warehouse na yun, pero hanggang ngayon di ko alam san napulot ni Mark na mga damit ni Toni ay Warehouse hehehe,,, at ito lang yung pangako ni Mark na natatandaan ko na di nya natupad hanggang ngayon hihihi,, (pero no worries hon di ko namna type yung mga damit dun parang sobrang formal which is not me)

Naku nobela na ito, sorry naman. Eto share ko na what I found in Forever 21 yesterday,, a polka dots pants,, so nice noh, I'm thinking pa what to pair with this.


Because of this happy na ulit ang mood ko. O sya merienda na tayo, 2:40pm na, teka teka mag nap ba ako o mag merienda, wahehehe kaloka,, =)

Happy Mood to everyone!!! =)



Wednesday, January 23, 2013

Outfit of the Day: "Saturday Ngayon"

How's your day friendships? Ako pauwi pa lang from work, pagod gutom at nakasakay sa mrt. Oh well ganyan talaga ang life, tinatanong ko na naman sarili ko saan ako magdidinner ngayon.
What's with the title? I told you last night na pagod na agad ako start palang ng week, before I sleep last night I asked mark to wake me up when it's 7am na kasi sa kahimbingan ko di ko marinig alarm, d ba magdamag yung skype namin kaya automatic din yun pag di ako nagising ginigising nya ako may tawag ulit sa skype at viber minsan pag tulog mantika ako hihihi. Paggising sa akin ni Mark sabi ko "huh? Saturday ngayon" tinawanan lang ako. Oh sabado dumating ka na please.
At yan before I go home I snapped some photos of me, it is my first OTD post yey!!! I gained a lot during the holidays kaya I am preparing myself for a strict diet again.


Blouse: Bershka
Pants: H&M
Shoes: Mango



Today Happiness =)

Wednesday pa lang pagod na ako wahehehe,, ang hirap talagang kumita ng pera hehehe,,, Overtime lang naman ako sa work kahapon at ngayon, I left the office past 9pm na kagabi tapos ngayon ay 8pm na ako nakaalis sa office, dahil sa wala pa akong pasyal mula nung dumating ako at gutom na din ako, kaya naglakad lakad muna ako sa Iluma kasi may Bershka dun tapos may Bonchon pa,,, hehehe,,
My eyes were twinkling when I saw the % further reduction ang daming sale, tapos I am on my way to Bonchon to satisfy my cravings napadaan nman ako sa Mango Touch 70% discount daw,,, yung in-overtime ko dito napunta =)




Hirap na hirap talaga ako makahanap ng perfect shoes para sa maselan kong paa, when I fit this shoes super comfy and sana after ilang hours e comfy pa din sya. Madami akong traumatic experience kasi sa sapatos may peklat pa nga yung paa ko dahil sa sandals na binili ko nung nakaraan. Sana lang mapagipunan ko yung dream shoes ko feeling ko kasi super lambot nya sa paa.


Look,,, and saya di ba from 99sgd naging 39sgd tapos meant to be talaga may size 40 last pair na ito hihihi!!!


Ang bida ng gabi ko ang super yummy, crispy and flavorful Bonchon Chicken, Happy ang Zigrid!!!!!

How's your day? Sana happy din kayo, =)


Sunday, January 20, 2013

Long and Black

One of my assets is my straight long black hair, and baka yun nga lang ang asset ko eh, hehehe, and I am happy that I dont have to spend a lot of money for my hair but I am getting tired of it (wag ka sana magtampo) I want to give it more life, color, volume,,, kaya lang am I really ready for a change? Pero pero gusto ko talaga magpakulay ng hair kaso since I am morena I dont know kung may babagay ba sa akin, kaya I searched for pictures na morena with hair color.

Here is Iza Calzado, ang ganda lang nya di ba.



Kung ganyan ako kaganda baka pa magpakulay ako ng buhok agad agad hihihi, so now natauhan na ako na hindi bagay sa akin kaya long and black hair ....forever?

Scary Thursday

I've been busy last week kaya bonggang katahimikan ang aking blog. Almost every day ata may dinner kami with our bosses welcome party, farewell party, tapos hindi pa din ako gaano makatulog everyday yata last week ay 3 hours lang ang tulog ko, and then something happened to me last thursday. I was preparing to work when I noticed that my monthly period came, oh-em-gee ang aga nya ha, for me na palaging delay tapos ngayon saktong 30 days, I was a little nervous sabi ko baka hindi mens paranoid ako e baka I am having a miscarriage, dahan dahan akong maglakad papuntang mrt, tapos nung malapit na akong bumaba sa jurong east iba na ang pakiramdam ko, parang hindi ako makahinga, tapos nanlalamig na ako at parang nanlalambot na ang tuhod ko, I experienced that before a few times na when I was a kid until my early years in college kaya alam ko na ang ending ay unconscious na zigrid, sabi ko lagot pano pag nawalan ako ng malay dito e wala akong kakilala pa naman san ako pupulutin, I prayed na sana mawala yung sama ng pakiramdam ko then I started calling my friend Abie who is working in Jurong East sabi ko madali nya ako mapupuntahan kaso naka off ung cp nya, I tried to call my friend/hausmate Jaz kasi yung way nya ay papuntang bouna vista pwede nya along balikan kung sakali naka off din kasi nakasakay din sya ng mrt, I tried to call mark hindi din nasagot, I just stayed calm at dahan dahan ang paghinga ko, unti unti ng lumliit ang tingin ko at black na yung gilid, tapos nung palabas ko ng mrt I tried as much possible na sumiksik sa mga tao para marating ko ung upuan na malapit sa elevator(un kasi naisip ko tawagan ko c mark na sya na magtawag ng ibang friends na dun ako pupuntahan) para just in case mawalan ako ng malay e hindi ako diretso sa floor may tao akong masasandalan, buti na lang malapit lang yung upuan naupo ako tapos sakto tumawag si Jaz sabi ko "sis masamang masama pakiramdam ko pakipuntahan ako dito sa jurong east" habang pabalik si Jaz nakontak ko naman si Mark ayun na kausap ko na sya the whole time.
Kaya lesson learned din wag abusuhin ang katawan, eat well, sleep well yan ang aking everyday must ngayon.

I thank God for keeping me safe, for my friends here sa concern nila at love,,, I am praying na sana lahat ng plano namin ngayong 2013 ay yun din ang plano ni God for us. I don't feel disappointed if hindi pa kami magkababy ngayong month although we tried, kaso naman naman sa lahat ng blessings na binigay ni Lord sa akin may mahihiling pa ba ako, everything is according to His plans and kahit kelan hindi nya kami pinabayaan.

Everything is ok now sobra na nga ang pahinga ko ulan ng ulan kasi dito sa SG kaya sarap matulog. Syempre I will end this post with a good news naman I will be coming home next month for a 7 day vacation, timing din kasi my bestfriend will be joining her husband in QATAR sa March, kaya we still have some bonding moment before she go.

God bless us!!! =)



Friday, January 11, 2013

Planner from Paperblanks



Thank God It's Friday mga kapatid!!!

I had only 3 hours of sleep last night and I should be now in the dreamland, but upon learning from The Drama Queen Can Tell Stories  the game Clash of Clans I've got addicted now and still waiting for my resources to be filled so that I can upgrade the Barracks, wahehehe,, I'm still exploring the game, and I am enjoying it so far. Thanks Dra. Cricket!

I just want to share what I've got from my trip, My heart was settled to get a moleskine for my planner but when I saw this I knew I should  get this one.



This art was created by Laurel Burch and she entitled it as "The First Kiss". Well my first kiss was unforgettable, magical, the feeling was indescribable and one thing for sure it was the best among my thousands of kisses with hubby, syempre po si husband ang aking first kiss. Most of the time nga nirerequest kong ulitin namin palagi yung first kiss na yun hehehe. 

My husband put a rose from our dinner inside it when he was packing my things for my trip back here. 


Together my planner is my Long Champ Le Pliage, ang ganda lang ng pagka green nya tamang tama sa planner parang nasa gubat lang hihihi,, ay ang saya bumili ng Long Champ dun 57 euro lang sya when converted is only less than 100 sgd, e yung same size which is the large size na binili ni Mark sa akin dito ay 220sgd, ang laki ng nasave ko noh. =)


Good mornight everyone!!! have a very relaxing weekend!!! =)

Wednesday, January 9, 2013

Happy Times =) =) =)

I'm back yesterday and I took another day off from work today because of jet lag. Seriously I was wondering before na everytime I flew from PH to SG or vice versa e di ko naman na eexperience yung jet lag, ito pala yun, last night I was really trying to sleep but ang sakit na lalo ng ulo ko pag pinipilit ko matulog, my body clock is not yet adjusted from my present time here, today I slept at 7 am and woke up at 1:30pm.

Now I am photo blogging, yep alam nyo naman ako how I love taking pictures of myself hahaha,, kaya warning na from me a lot of photos will be posted here....

My first photo is our first picture together after more than 4 months of being away with each other.

I left Singapore on the night of Dec 22, I tell you ang hirap mag empake hihihi, plus I need to keep the room tidy na hindi ko din nagawa atleast nagbawas ako ng clutters, nawala na tuloy ang aking mga New Year rituals like red na bed cover, saka ung ubas sa pinto at bintana (lahat kasi un sinasabi ko lang kay hubby at pronto na meron na) pinakamadali na ginawa ko naghagis ng coins sa room hihihi,, isa pa na naexperience ko ang lungkot pala umalis sa airport ng walang naghahatid (hahaha).

I was seated for 13 hours in a very narrow seat, it was the longest trip I had in a plane tapos wala ako kausap man lang, buti na lang nasa aisle ako palagi kasi ako nawiwi saka pag dun ako sa window seat feeling ko maiinis ako ( alam nyo ung maiinis na term minsan ginagamit namin un sa parang feeling na suffocated) at eto pa everytime I go to the toilet I had to bring my shoulder bag with me, tinakot kasi nila ako na wag iiwan kasi baka mawala and iba na nga din ang nag iingat, buti na lang naka off ang lights di masyado kakahiya. At habang hirap na hirap ako matulog bigla nadagdagan ang pangarap ko sa buhay... Ang makasakay sa eroplano sa First Class Seat, naexperience ko na dati ung Business Class e naupgrade lang naman during my business trip dati kaso short trip lang jun, gusto ko yung katulad hung nasa Sex and the City the movie yung scene na pupunta sila ng Dubai, type ko din ung mga post ni Chuvaness pag may trips sya.
After ng 13 hours I had to wait for 5 hours layover sa Germany, then another 1.5 hours papunta sa Stavanger where my hubby lives now. Papalabas ako sa exit, I was looking for husband dear dun sa mga taong nakaabang na may mga placards, bigla may sumulpot dun sa gitna si husband na nga at may dalang flowers hahaha,, sabay kiss sa akin,, hiyang hiya ako kasi kung maiimagine nyo andun ako sa may maliit na parang exit tapos sa harap ko madaming tao tapos bigla sinalubong na ako dun ni hubby, all eyes were with us hihihi,, sulit ang pagod sa byahe....


My second picture is I will call... Breakfast in Bed


My first breakfast in Norway, syempre di mawawala ang aking request na afritada hihihi.

After the breakfast, Mark toured me around and it was my first hand experience with snow. Kwento lang ang bait ni God this is my first and last na naencounter ko ang snow hehehe after this e carry ko na ang weather. After a small walk e bilis bilis na kami mag prepare for our trip to Milan where we celebrated Christmas and New Year, as you all know I am very close to my family kaya I am very happy to visit my Ninang and Ate Lourdes at Kuya Nolie dun.


The next pictures are the happy faces of my husband


hahaha!!!

 When we were in Rome we witnessed a marriage proposal!!! Best wishes to both of you!!!

Ang sweet ng guy, the parents of the girl were there also, I saw the mom crying *tears of joy*


Next pictures are all about dates, food kaya wag kayong magtaka pag wala munang outfit of the day sa kadahilanang tumaba po ako hihihi!!!

first time ulit manood ng sine,,, dito sa Singapore ito yung pinaka love naming gain, hilig pa namin manood dito ng last full show pag friday or saturday night. 





McFlurry Pistachio Flavor

Ang ganda lang ng ceiling sa Vatican Museum



 Look I met Hermoine in Milan...


 We saw her in Venice, then while walking around in Milan we saw her again,,, she was inside a store tapos nilapitan ko talaga sya and asked pictures with her,, sobrang excited na parang constipated ang mukha ko hihi, di ba di ba, kamukha sya ng younger version ni Hermoine sa Harry Potter, Thank you Lucia, yup I asked her name just to make sure =D hihihi

It is also very nice feeling to see Kababayan in a foreign land,,, met with 2 beautiful nice Sisters.



I am not a catholic but I am very respectful sa ibang religions, mas tinitngnan ko kasi yung attitude ng tao, paano sila makipag kapwa tao, nakakalungkot lang na meron akong mga nakikita na every week mag simba at palaging may dalang bible pero puno ng inggit at mapanghusga naman,,, well ako talaga I really admire nuns, kasi ako sa sarili ko hindi ko kayang magsakripisyo katulad nila kaya I have my high respect with them. Sabi pa nila I pagppray daw nila kaming mag asawa. Thank you po Sisters!!! =)

Ako ang bunso hihihi

Love you both.... my Ninang and my Ate Lourdes....

And what makes a girl extra happy? of course SHOPPING!!!!








Sabi ko na nga ba e, may pahabol na gift pa si husband sa akin,,, =) =) =)

Happy me =) =) =)





 Hay kung di lang ako magpipigil ang dami ko pang ipopost hihihi,,, sorry masyadong mahaba na itong post ko,, well ngayon naiinis ako feeling ko 8pm pa lang e 11:30pm na hehehe,,

Good night friendships!!! sa uulitin!!!! mwahugs!!!! =)





I Am A Teacher's Daughter and I'm So Proud!

Today is my mother's birthday!!!

To the most important woman in my life, happy happy birthday po. I will always be grateful that God gave me a very loving mother like you. You are the most pasensyosa, mabait na nakilala ko, walang masamang tinapay sa inyo ika nga. I am very proud of you, Kwento lang nung umuwi ako last year January, kumakain kami ng Inay sa Jollibee, nagulat na lang ako ng biglang may yumakap at humalik sa Inay sabay sabi

"Ma'am alam nyo po kahit di ko pa po kayo nagiging teacher favorite ko na po kayo"

A few months back, I asked her, " Inay bakit di po kayo naghanap ng ibang trabahong mas malaking sweldo e licensed Chemical Engineer naman po kayo?

and I will never ever forget what she answered me, at natameme talaga ako,

Anak, kung naghangad ako ng malaking sweldo, baka hindi ko kayo napalaki ng maayos di naman mahalaga anak ang pera mahalaga ay maayos kayong magkapatid, di mo ba napapansin na mostly nagiging successful o maayos ang buhay ay mga anak ng teacher yan ay dahil sa ibinabalik lang sa amin ang serbisyo na ibinibigay namin sa mga estudyante na tinuturuan namin. Saka tanda mo anak dati conscious ka na magpabaya o gumawa ng di maganda kasi palagi mo nasa isip mo palagi "kailangan ko maging maayos kakahiya anak pa naman ako ng teacher."

Super natahimik ako at natameme talaga at napaisip ako oo nga naman.

Happy happy Birthday Inay!!! Salute to all the Teachers!!!

I am proud that I am an Educator's Daughter!!!!


Sunday, January 6, 2013

Italian Cappuccino is the best

Walang Starbucks sa Milan, I am  a collector din kasi ng tumblers kaya dati ko pa pinapahanap sa Ninang ko yung Starbucks kaso wala daw sya makita, later on nalaman ko according to my research (hehehe) na wala pala talaga. Pero pero pero,,,, ang SARAP SARAP ng Cappuccino dun, everytime we went out we will go to a bar (bar ang tawag nila e) to get a cup of cappuccio (yan ang tawag ng Ninang e hehehe) and naging routine na talaga yan.

my cup
I am not really a fan of coffee, but I really fell in love with this =)
happy drinker =) =) =)
ay sya nga pala, to those who are planning to visit there and want to experience the cappuccino, some bars charge 3 euro each person if you want to have a table, tabula ang tawag nila sa narinig ko, kaya standing lang kami sayang ang 3 euro hehehe, pero meron din naman bar kaming natry na walang bayad,, ay ay ay,, at masarap din ang croissant nila with nuttella inside, I never buy croissant sa singapore o Philippines pero sa Milan ang sarap din talaga,, 


Ito naman ang cappuccino and bruschetta in Venice 


Cappuccino in Rome

ay ubos na pala late na ako pinicturean ni mark heheheh

Lucky me, i still found the Starbucks during our layover in Amsterdam kaya ayun nakabili ako tumblers, hopefully makita ko Starbucks bukas sa Germany kasi  stopover ko, nung day kasi ng flight ko papunta dito sabi nung napagtanungan ko lalabas pa ulit ako so kailangan ko ulit ipa check gamit ko e ayoko na hehehe. Medyo nalulungkot na ako mga friendships lapit na ako bumalik....

Friday, January 4, 2013

Happy New Year

Hello friendships!!! How's your new year so far? I'm so sorry for being not around for the past week, I tried to write here the moment I arrived here in Norway but there was an error everytime I tried to make a post, same thing when I was in Milan.

I am very grateful that the last days of 2012 and the first few days of 2013 are all about happiness, relaxation, family, contentment, simpleness, humbleness and love. I thank the Lord for making one of my dreams come true, I am enjoying all the blessings till now, I am thinking maybe, maybe I did something good in the past to deserve all these. More kwento and pictures soon,,, =) =) =)