Ang daming kilig moments nung nanliligaw pa lang si Mark sa akin, ewan ko ba masyado lang sigurong mababa ang self esteem ko, wala nga akong kapatid na babae kaya ako ang pinakamagandang anak ng Inay at ama ko hehehe pero ang dami kong pinsan sa side ng Inay na halos magkakalapit ang age namin at ang gaganda nila hehehe mga beauty queen ang level ang hirap kaya nga palagi ko silang jinojoke(half-meant) "buti na lang naambunan nyo ako ng kahit konting ganda" hehehe, kaya naman everytime may manliligaw sa akin ayoko maniwala sa kanila kasi ang daming magaganda, bakit ako?! Tapos tumatak pa sa akin ang pinakamagandang turo ng Inay, "Pag pinaghirapan daw ng lalaking mapasagot ang babae, hindi daw basta basta pakakawalan kahit anong mangyari" yung parang Hard to get, hard to forget hihihi, kaya ayun sa case ko totoo nga, kasi kahit anong pagdaanan namin (sa ngayon) na hirap, Mark is always there for me, he never stop believing on US.
So eto na, palagi ko nga sya nun binabasted, kasi naman tanong ng tanong kung may pag asa syempre ang sagot ko wala e, syempre pag sinabi kong meron e di parang yun na yun, wala lang formality na kami, di ba, kaya consistent ako sa sagot ko, one time nasa library ako bigla lumapit sya tapos inabot yung isang papel n nkastapler tapos ang daming nasa loob hanggang maopen ko n yung maliit n papel tapos nkalagay yung line sa song na Journey
"Forward Always Forward, Onward Always Up, Catching Every Drop of Hope In My Empty Cup"
grad song namin nung HS. hihi. :D
ReplyDeletehihihi, oo nga ganda ng message nung song noh, =)
DeleteAwww...sweet naman ng hubby mo. Yes, i agree sa nanay mo, pag pinaghirapan kasi hindi madaling bitawan.
ReplyDeleteHello Ms. N, hehehe nakakatuwa lang balikan ang nakaraan hihihi!!! =)
Delete