Wednesday, April 24, 2013

Outfit of the Day : Hot Colors =)

Hello friends, midweek na!!! In a few days e dadating na ang aking dear husband, di pa ako prepared hehehe,,,

I took a day off today to accompany my father to Universal Studios, I want to share what I wore today, favorite ko talaga ang combination ng pink and green, alam nyo yan dahil ang motif ko sa kasal e apple green at fuschia pink, dahil sa summer na in na in ngayon ang bright colors saka pagbigyan nyo na kasi mahilig talaga ako sa matitingkad ang kulay.




Top : H&M
Pans: Trafaluc Zara
Shoes: Pedro
Sunglass: Christian Dior

Tuesday, April 23, 2013

Father is here

This is a quick post because as I am typing I am also cooking my father's lunch for tomorrow, yeah multi tasking ako ngayon.

My father is here, that is the reason why I can not blog because most of my time we were out. I am just so happy that he was able to experience to ride a plane and to be able to see Singapore. I remember when we were young before Christmas he will take us to Manila to buy new clothes and shoes for Christmas every year yun kahit na di naman kalakihan ang budget nya basta sa manila kami mamimili sa SM kasi sa province namin that time e wala pa namang SM, unang SM ko nga na nakita e ung SM carriedo tapos may Fairmart ba un o Plaza Fair pa. Dinadala nya kami sa carnival sumasakay sa bump car etc, at mula quezon nadala din nya kami sa Baguio, napakasimpleng bagay siguro para sa iba pero sa kakaunting pera sa bulsa nagagawa nya ang mga bagay na jun, nung nag college ako dahil sa eng'g ang course ko hirap na hirap ako sa drawing kahit papano iginiit nya akong bilhan ng drawing table at mga tech pen sunong sunong nya yung drawing table mula sa national bookstore sa morayta hanggang sa dorm namin, dahil sa sabay sabay ang gastos nung first days ng college ko wala akong electric fan kaya ang init siguro after 2 weeks pa ako nabilhan, ang init hindi ako nagcocomplain kasi alam ko kung ano lang ang meron sa amin mahalaga sa akin makapag aril, nung padalawang linggo ko pag uwi ko sa bahay meron na syang binding electric fan Asahi un kaya love na love ko ang Asahi hehehe,, nung nauso ang cellphone aba nagulat na lang ako ng pag uwi nya may dala na sa akin nokia 3210 un ang kaunaunahang cp ko, pag birthday ko palagi akong binibigyan ng pang blow out sa mga kaibigan ko hindi kasi kami sanay maghanda kaya tuwing birthday ko inaaabutan nya ako ng pangblow out, at alam nyo ba na kahit summer bago sya umalis ginigising kami para bigyan ng baon naming pang meryenda tapos ilalagay ko sa ilalim ng unan ko tapos diretso ako tulog, nung bata ako naiinggit ako sa mga pinsan ko sa mother side kasi yung mga tatay nila nasa Saudi, maalwan ang pera sa kanila, pero naisip ko maswerte din ako kasi may ama ako na mabigay sa anak basta meron sya. Hindi perpekto ang aking ama, napakastrikto, napaka maligalig sa mga bagay bagay, madaming kahinaan, pero maprinsipyong tao, naalala ko dati kailangan ko ng isang bagay di ko na tanda kung ano un, manghihiram sana ako pero ayaw nya sabi nya kung ano ang meron ka yun ang pagtyagaan mo at madami pang iba,,

update lang,, luto na yung niluluto ko sabi ko quick post napahaba na hihihi,,






Sunday, April 14, 2013

Laduree in Singapore

Hello friendly friends!!!

Super high ng stress level ko last week, buti na lang unti unti na syang nag su subside =) I haven't pack my things yet good thing is my husband is coming over to rescue me from clutters and packing of our things hehehe. I started to feel super alone nung december before my vacation as in I am longing for my husband alaga,, iba pa din talaga yung magkasama kayo, then ngayon that my husband will come home ang feeling ko e parang ako yung batang ang tatay ay OFW tapos pag padating na tuwang tuwa na gustong ipagpahili sa ma kalaro hehehe.

I received my visa last wednesday, I took a day off and after I got my visa I went to Takashimaya, window shopping lang, I told I can't afford to buy anything now bukod sa malaki ang gastos namin this month e dadagdag pa sa ipapaship ko na gamit naming. Look what I saw, Laduree will be opening soon here in Singapore, isa kasi ito sa reason why I want to go to Paris, sobrang curious ako sa macarons nila e, di ko kasi alam na meron pala sa Milan, kala ko sa Paris lang.

This is a good news for my friends here and for those who will visit Singapore. Im hoping that they will open soon before my flight =)


Sunday, April 7, 2013

Gulo Gulo hair

This is me after I bring down my pusod hair, super like na like ko talaga pag kulot ako,, hehehe,, kaso it only last for a few minutes pag ganitong galing sa pagkakapusod lang, i like it sana din with color hahaha,, I can't get over sa kulay kulay na yan e, gusto ko yung color ng hair ni KC Concepcion hihihi. 


This is after kong maglinis ng room. Had a quick shower, now typing. too tired. Off to dreamland. 

Good morning everyone!!! =)


Decisions

Musta na kayo? I've been quiet for a while, alam nyo na yan may pinagdadaanan lang hehehe...
I just made another big decision in my life, I resigned last Monday, whew!!! I am sad at the same time happy, actually mas lamang naman yung masaya but I can't help not to be sad din kasi I've been living here in Singapore for almost 6 years, this is my second home, I will miss the place and most especially my friends here. I remember my first day I arrived here, the first meal I ate was from Pastamania, and the next day my husband toured me around in Esplanade tapos alam nyo yung papicture pa ako sa McDonalds kasi ibang lugar na hihihi, i will never forget the excitement I had during my first day at work, I even bought a new clothes for my first day. My dream wedding was fulfilled, my family was able to ride a plane (sa hirap namin we can't imagine that we can afford to go outside the Philippines), and the experience I've gained in terms of career because Singapore welcomed us. I will be forever grateful and I will never forget your beauty. Thank You SG!

Im happy naman kasi I will resume my duty as a wife, alam nyo naman na im on hiatus being a wife because of the distance between us, kaya im excited to start my days with my husband, domesticated ang peg hehehe ito talaga ang kinakabahan ako e, i will use my charm na lang kay hubby. Sabi ko sa kanya what if magulo ang bahay pagdating nya, sagot nya babawiin daw ang atm nya sa akin hihihi, tapos ask ko ulit pano kung magulo ang bahay tapos bagong ligo ako, aba nag iba ang sagot sa akin daw ang atm pa din tapos sasabihan daw nya ako na sige pa hon magkalat ka pa, hahahha,,, I love you hon,, please come home and rescue me from the clutters here,,, hahaha!!!

I am very busy now, as in I need to clean the room and fix our things. Eto na nakakaiyak pala yung malapit ka ng matapos maglinis then you remember to check your passport tapos wala sa lalagyan nya, ayun na i turned all my things upside down as in ang gulo na ngayon lalo ng room ko, I was relieved when I found it nasa dulo pala ng drawer pinaiyak muna ako bago nagpakita e alam ko natingnan ko na yun paulit ulit hehehe.

Osha bye na muna hehehe,, itutuloy ko na pagliligpit,, happy Sunday!