Im counting days again, finally masisilayan ko na ulit ang Pilipinas kong mahal, at makakasakay na ulit sa eroplano....
Di lingid sa inyo na hindi kami mayaman...na nung bata ako ang telepono, eroplano, corned beef na imported ay pang mayaman,,, hehehe,, ewan ko kasi nung nagkatelepono kami sa bahay tuwang tuwa ako, e kaya lang naman kami nagkatelepono nun sa bayan namin ay nagpromo ang GTS, basta sobrang mura nya na kahit sino pwedeng magpakabit ng linya ng telepono hindi katulad nung unang una na ilan lang, parang ngayon na lahat ay may cellphone na.
Yung corned beef na imported masaya din ako pag nabibigyan kami dati, yung asawa kasi ng tyahin ko ay nag aabroad kaya pag may dala binibigyan din kami, tapos yung bestfriend ko naman na si Carmina basta may package yung lola nya ipinagtatabi nya ako nun, kaya hanggang ngayon favorite ko yun palagi ko binibili yung Libby's.
At yung pagsakay naman ng eroplano pangarap ko din yan dati, kasi nanunang mag kinder yung mga pinsan ko sa akin tapos nag field trip sila di ko alam kung saan basta nakita ko yung picture nila sa eroplano tapos nung time ko na iba na yung pinuntahan kaya frustation ko yun dati, tapos pag may dumadaang eroplano talagang tinitingnan ko, kaya kahit ngayon everytime na sasakay ako sa eroplano ibang excitement pa din yung nararamdaman ko. Alam nyo ba na yung unang sakay ko ng eroplano ay papuntang Bacolod, dinalaw ko din si Mark dati, at yung unang international flight ko e nung papunta dito sa Singapore, Singapore Airlines yung sinakyan ko, libre lang yun ng unang company ko dito, dahil sa takot ako o ilang tinanggihan ko yung meal sa eroplano wahehehe, takot ata ako baka may bayad hihihi basta yun bloopers un, natatawa ako ngayon sa sarili ko siguro yung katabi ko pinagtatawanan ako o yung stewardes hehehe buti na lang mahigit 3 oras lang ang byahe, basta feeling ko nun katulad ng first time ko din kumain sa hotel dahil may inattendan akong kasal ganun na ganun.
7 days to go...HaPINAS na!!!
Dreams do come true, kaya keep on dreaming. Nothing is impossible with God, keep on believing and praying. God bless us all!!! =)
Oo nga naalala ko pa nung araw hindi lahat ng bahay may telepono. Sa amin sa probinsya walanb PLDT kaya Digitel ang telepono namin. Uso pa phonepal non.. Hahahha.
ReplyDeleteEnjoy Pinas! :)
Naalala ko dati sa amin din, kapag may relative ka na galing abroad.. wagas na sikat at mayaman ang pamilya nila lalo na kapag may package na dadating... Super inggit din ako dati sa ganun. At pareho tayo na-addict sa Libby's haha fave ko din yun..
ReplyDeleteEnjoy P'nas! At wag kalimutan mag BonChon, milk tea at Sophie's mom :)
Oo nga uso ang phonepal nun, ang nakakainis lang pag nasagot ng ama ko yung phone at hindi sumagot yung nasa kabilang line ako agad ang pinapagalitan.
ReplyDelete