Thursday, August 7, 2014

Life is (Bitter) Sweet :)

Hi pretties :) 

We can't have it all sabi nga nila, what's with the title? I just believe na once nag lelevel up ang trials sa buhay the more we learn, gain more experiences and it made us a better person. Just like a dark chocolate it has a bittersweet taste but it is healthier and as I matured I find it yummier than other sweeter variety of chocolates, kumbaga nagkakasubstance ka you became more valuable. 

Last Friday, we went to a city 2 hours from our home and had our check up, and there the doctor confirmed that I have PCOS :( Madami akong bagay na di maunawaan, at pinipilit inuunawa sa tulong ng prayers at research sa internet pati sa mga kagroup ko na nagbibigay support and tips. There was a moment that I felt numbed, worried and still thankful kay Lord that nothing serious (than that) had seen sa scan halo halo sya, I am hopeful din because of the promise of technology :) and somehow a bit worried and inaalalayan ko din ang feelings ng husband ko basta I can't explain. Kung pwede nga lang sabihin na kainin ko ang isang sakong ampalaya ng hilaw o ang pinakamapait para lang mabuntis ako gagawin ko. I know that this journey will be another one of the difficult rides in our lives as a couple but I beieve that God is leading us in a right direction, that He's on our side in every step of this journey. I really pray that God will give us strength and also to help us sustain the financial aspect. 

on our way to haugesund


I was actually delayed for 16 days and was really hoping na I'm pregnant more of the financial aspect I was really hopeful that I'll get pregnant in a natural way but yesterday my mens came, I felt sad and down but I am a fighter I moved on easily and think what's the next step I should do. That's what I told hubby, and everytime there were unfortunate events or rejection the sadness is there hindi naman yun maalis agad agad but I will think ahead of another options, mabilis ako bumawi and hopefully tuloy tuloy yun. 
Had dinner with hubby after buying all the necessary meds. Behind that smile is a little sadness but me with a lot of determination and a stronger faith in God. We're gonna win this Hon, with our love with each other and the love of God to us, and His promises of a better and happier life, this battle is just a small thing for Him. It's a sure win win for us!!! :)))




This is the first step to see our little giday or little mark. To our future daughter/son I want you to know that we are going to do everything just to have you with the help of our Lord. We are very excited to finally meet you deary!!! and to everyone here please include us in your prayers kasi I believe that more prayers will make us nearer to our dream. 

Thank you Thank you Friendships!!! mwahugs!!! 

Don't worry about me I'm very much ok!!! :))) 


Wednesday, August 6, 2014

3 Favorites

Hello Friendships!!!

Nag iisip ako ano nga ba ang dapat ko idagdag pa yung food saka na lang kasi ang dami kong ngutngutin hehehe pero yan muna sa ngayon.

1. Dolce and Gabbana Desire

I am in love with this new scent I discovered in duty free, lasting ang scent and nagiging powder yung amoy nya, my husband loves it too on me. Perfect sya sa medyo formal and romantic dinner, basta ang sosyal ng amoy nya,,,, Magamit nga mamaya, will meet hubby later eh hehehe...


2. Dolce and Gabbana Shades

I love it here sa Europe di gaano kadamihan ang pinoy na nakakasalubong ko hindi ako naiilang masyado mag shades hehehe,, saka di uso ang payong at pag uminit mainit talaga, kaya super may reason to wear shades not for porma lang but mainly for protection talaga to the sun. Alam nyo naman di ako nabiyayaan ng matangos na ilong kaya frustration ko talaga mag suot ng shades hehehe,, I was victim kasi ng pangungutya before ng pango at pangolo hehehe,, sabay may kakanta ng tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango hahahha,,, 2 lang shades ko yung sinusuot ko dati na Dior kaya lang ako nakabili nun kasi nung pupunta kami sa Thailand, and nauso yung mga cat eye shape na shades kaya triny ko kung uubra hahaha,, and kahit pango feeling ko bumagay naman hahaha (pinilit talaga)



Baste kiber ko na lang hahaha basta magshashades ako hihihi!!! =)

3. My Pink Long Champ

Long Champ bags for me are very useful, ang dami ko nalalagay at worry free sa scratch or dumi, kaya I love long champ talaga plus ang dami nilang colors, and this bag being pink made me love it even more. =))))




Thank you Ladies for letting me share my current favorites. See you soon. miss u all. mwah!!!

Di pa ako makareply sa comments, AC, Diane, M, Edelweiza and Rem, pero maraming maraming salamat sa messages nyo!!! love you all!! =)



Swissotel and (in) Berlin

Hello Friendships,

I am not sure why I can't blog these days, pero heto na =)

I want to blog about Swissotel kaso major fail na di ko sya nakuhanan ng picture, pero all in all very nice ang experience namin with them, the staffs were very helpful, location is very nice as in shoppingan ang street na yun, very comfortable ang bed and nice toilet and bath too, nagustuhan ko yung separate yung shower at bath tub, kasi medyo takot ako sumampa at bumaba sa bath tub before at after ko maligo plus medyo aware ako kung nababasa ko na yung floor, kaya like ko talaga yung separate shower, malaki din yung bath tub nila, nagkasya kami ni mark (hahaha ooops censored). We had a very early flight and we arrived sa hotel about 10 plus na pero the hotel let us checked in na agad agad, super winner sa akin yun kasi after ng flight pagod and gusto ko mag shower muna.




And if you are coming from Tegel Airport less than 20 euro lang ang taxi from airport to Swissotel di ba winner, di kasi ako nakaresearch hehehe buti na lang si mark magaling sa distance distance na cacalculate nya kung malayo ba itaxi o hindi hehehe,, 17 euro lang ang alam ko ung binayaran namin, pero nung pauwi na kami saktong 20 euro yung binayad namin sa taxi. Nahirapan ako sa train sa Berlin, kasi sa isang track ibat ibang trains yung dumadaan kaya kailangan alam mo kung ano oras yung train na sasakyan kasi matagal din ang interval nila. Hindi ako mahilig sa museum ha hehehe kaya kada kanto lang ako picture hihihi masaya na ako nun. Medyo nabitin kami sa shopping pero kasi mas panalo sa spain magshopping kasi nasa 20-23 percent sa pagkakaalala ko ha yung tax refund, samantalang sa berlin 11 percent lang. Ang init pati dun nung nagpunta kami sobra siguro mas mainit pa kesa sa pinas kasi nung Sunday punta namin sa Potsdam ang init grabe hindi ako maka pose hahaha,,, yung mineral water na hawak ko umiinit din hehehe.

Yung breakfast nga lang sa hotel e napakasimple hehehe,, medyo nadisappoint ako pero carry lang




Honestly hindi ako naimpress sa Berlin, mas nagandahan ako sa Barcelona, sa Barcelona kasi maganda ang paligid, mura ang shopping hahaha,, pero more on talaga maganda every kanto, masarap ang food, sa Berlin siguro dahil di ko pa gaanong na explore pero hindi ako nagandahan sa kanya parang nothing special.

But I'm still happy coz I got to see/experience again the things close to my heart.

Like this Cotton On Shop na halos kaliwa't kanan ata meron sa singapore, too bad di ko sya napasok major fail talaga, yung first day kasi namin I thought warm up lang hahaha pero hindi pala mabilis dumaan ang oras sarado na sila hahaha,,


I miss KFC so much!!! Had to buy a bucket of chicken for pasalubong sa friends namin dito and for us na din.

and this ... =)

Hindi ako maHard Rock before e pero dito kasi palagi meron sa trip namin. more on TGIF ako e and chillis before.



for Attaractions wala talaga kami gaano napuntahan hahaha,, hindi ako mahilig,, yung Potsdam Sunday yun kung bukas nga mga shops nun baka di din namin pinuntahan








Sunday, August 3, 2014

Successful Bike Ride Story

Hello friendships!

There's nothing impossible when you Believe, my parents were very protective to us especially when my youngest uncle died on a hit and run, it was very sad and traumatic for the whole family kaya bikes at scooters were not allowed for us. But before my 33rd birthday God saw the determination in me to learn and He granted it. 

Last Monday, my husband asked me to go to XXL, he wanted to buy me a bike kasi he felt sorry for me because I can't join my girlfriends here whenever they have a bike ride session, at first I was hesitant kasi what if Di ako natuto e di sayang lang ang bike, but he told me na he can also use it to buy something or do some errands without fearing na mawala yung bike, yung gamit kasi nya e medyo pricey kasi ginamit nya yun pang long ride at sa nsr. To make it short, we brought home my Contessa.
After we got home, I practiced her in a sloping part in the park, I was just trying to balance with it, after a numerous tries, I tried to step on the pedals, I was having hard time on the grass kaya I tranferred sa medyo patag na lupa na and to our surprised nakapedal ako ng mga 4 times, then my husband encouraged me to try in a pathway na cement ground and was able to do the same, then we went sa isang parking space and really kahit si Mark hindi sya makapaniwala na nakakapagbike na ako. Promise after my first attempt few months back, nag give up na ako, I believe na matututo ako but I didn't know na ganun kaaga was maybe about practising Contessa for more than 2 hours tapos bigla marunong na ako, this is not a joke,,, promise,,, but not naman as good as the others madami pa akong di kaya, at hirap pa din ako minsan, takot pa din ako na baka bumagsak ako, hirap ako sa pagliko sa kaliwa, at masakit sa kamay yung paghawak ko ng preno, masakit din sa pw*t after hehehe.