Monday, March 17, 2014

Starting Over Again

Hello beauties!!!

Happy Monday!!!



May pasine dito ng Starting Over Again kahapon, the truth is napanood ko na sya online hehehe,,, hindi ko na nahintay yung kahapon pero okies lang parang support na din sa filipino community kasi fund raising project din nila ito. 

Yung first time ko sya mapanood mag isa lang ako dito sa bahay at buti na lang din na pinanood ko sya before pa kasi may privacy ako hahaha mag titili, kiligin, umiyak nang hindi nakakahiya, hindi pigil ang emosyon ko hihihi,,, 
At eto naman hihihi, tawang tawa ako nung sinabi nya sa sarili nya "feeling mo ang ganda ganda mo, puro ka naman PANGA hehehe" at yung nareject sya sa role na Mama Mary kasi di sya kamukha ni Mama Mary, tapos nung makita nya si Iza Calzado "bakit daw kamukha nya si Mama Mary" aw talaga sa part nya. Kasi naman di ba kung ganun kaganda ung current ng ex mo kakaiyak talaga.

Nagandahan ako sa pangalang Genina (ba un?) at humanga ako sa "katapangan nya" alam nya ang gusto nya at sinasabi nya kung ano yung nasa loob nya, in a way I wished I am like her, matapang at determinado sa buhay, nalungkot lang ako kasi nagpadala sya sa nanay nya, masyado din syang nasilaw sa success, pero kasi dun sa 3 years na yun yun nga talaga yung time na medyo boring ang relationship na lahat na lang nakikita mo ay yung flaws nung partner at pag nalampasan naman yun e lalong titibay ang relationship,,, siguro yun naman ang hinangaan ko kay Patty (Iza) yung commitment nya sa relationship nila ni Marco, 

Ours began in a most unexciting way, as friends. Now, our love may be quiet and boring but it is sure. With the right amount of trust and love, and even an allowance for mistake. I love him Ginny and in love, there is no fear." -Patty

"and even an allowance for mistake" winner ito sa akin. Saka yung "my love is greater than your failures"

tatapusin ko na lang ito sa sinabi ni Wella (Beauty Gonzales) ganda kasi ng moment nila dyan hehehe,,, 

"Adik ka na naman sa pag-asa eh. Try mo na kaya lumaklak ng realidad?"

Enjoy the week beauties!!!! =)))





 

5 comments:

  1. Ako din napanood ko online. Kung bakit ba naman kasi di pinalabas sa sine dito, kahit magkano ticket bibili ako!!! hahahaa.

    At some point in our lives we became Ginny, or Marco, or Patty. Hindi ko alam kung alin ka sa kanila.. pero somehow I can relate to Ginny. I broke up with my boyfriend of 3 years with the same reason as Ginny (well, almost).. While its true that love can keep us alive, there are just people that are ambitious and hope for a better life and more success. It gets boring and feels heavy too when you know you are the one who carries the relationship while your partner does nothing but to love and serve you and ayaw na maggrow sa sarili nyang paraan. Sounds kilig sa totoong buhay but when reality sinks in na oh my God what are we gonna do for the rest of our lives? Ayun lang. Siguro practicality lang. May nagsusucceed and nakakakita ng better partner na bukod sa more successful e mas mahal nila kesa sa pagmamahal na binigay nila sa ex nila.. pero din naman tulad ni Ginny na somehow nagsisisi. Hindi ko na alam ang nangyari sa ex ko kaya hindi ko alam kung manghihinayang ako o matutuwa na nagkahiwalay kame. Hahaha. I'll check.. and I'll write my own entry about this. Wahahaha. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi AC, sobrang happy ako for u na nahandle mo ng ayos yung pag move on, ang hirap nun ha 3 years din,,, kami ni Mark e nung 3 years namin parang dyan talaga yung peak ng pagka boring saka pagkafamiliarity na kaso ang hirap ding maghiwalay nyan, it will take talaga enough courage para makapagdecide na magbreak, palagi ko tinatanong si Mark what if naghiwalay tayo (parang si Ginny din) tapos after ilang years e magkita kami kung liligawan pa kaya nya ako ulit hehehe,, Nakita ko din yung sarili ko kay Ginny, nung pinupush nya si Marco na magkaroon ng formal studies, ganyan din ako kay Mark minsan makulit ako na kung pwede pa syang mag improve e talagang kinukulit ko sya, excited ako sa post mo, pero mukha namang you are happy na kaya wala ka dapat panghinayangan. ingatz palagi. mwah!

      Delete
  2. Now I am curious about the movie :) Ingat lagi dyan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Rem, musta? go go go panoodin mo na,, maganda din yung movie ni Jericho abnkkbsnplako ung kay bob ong. ingatz ka din palagi. salamat. enjoy!!!

      Delete
  3. Nag-guest post si AC hahaha Pinanood ko din 'to, saktong Valentine's Day ksama yung mga lola ko sa office

    Ayokong sabihin na nakaka relate ako.. (wala ata akong right) alam mo na kung bakit.. nabanggit yun ni ate mitch nung hinatid nyo ako sa changi hahahaha

    ReplyDelete