Thursday, September 26, 2013

Travel Kwento: Paris France

Hello friendships!!! We were back last Tuesday from our 10 days vacation, this is the best birthday gift I received so far,,, at dahil din sa schedule ni Mark sa work at yung price difference ng ticket we decided to sched our trip a week after my birthday. I was really excited as in my field trip na naman kasi ang bata hehehe,, the night before our flight we attended pa a mini get together ng officemates ni Mark,,, after we got home, di na ako makatulog hahaha,,

We arrived in Paris around 11 am, direct flight yung nakuha namin from Stavanger via SAS airline, medyo paranoid ako kasi mag mrt kami from airport to our hotel e balita talaga na madaming mandurukot sa Paris, iniwasan din naming di maglabas ng map para di mahalata na tourists kami, iba iba din kasi ang lahi dun kaya basta paranoid ako. When we reached the hotel we were informed that we can check in at 3pm pa kaya iniwan na namin yung luggage namin muna dun, gora na agad kami kasi sayang ang oras,,, from Montmartre where our hotel is located, we looked for a Hop on Hop off bus,, for me it is a must talaga,, hassle free ito, the bus will tour you around Paris, we got their 2 days ticket, eto yung pwede kang bumaba in a certain area na gusto mo tapos if tapos ka na magtour dun you can wait for another bus para sa next destination. Safe pa yung feeling ko kasi halos lahat kami tourists dun hindi makikisiksik sa mrt.





Ang ganda lang talaga ng scenery sa Paris, sobra ako in love sa ganda nya at lalong iba yung feeling ng finally e meet and greet na with Eiffel Tower


My signature pose, mapapaindak ka talaga sa tuwa,,, =)


eating crepe with Eiffel at my back


View from Trocadero.

Trocadero is the best place to capture Eiffel like this,,, super lovely!!!

Naachieve naman namin yung chillax enjoy trip na ine aim namin, yun nga lang may mga lugar kaming di napuntahan, like Versailles, Jardin Du Luxembourg, yung Louvre Museum di kami nakapasok hahaha,,, kasi yung second day Monday, e late riser kami parehas ni hubby, kaya mga 11 am na kami nakalabas ng hotel e since walking distance lang from our hotel ang Sacre Coeur Basilica of Montmartre e yun inuna namin kasi alam namin gabi na ulit kami dadating baka di na kami makapunta, kaya if di kayo early person kulang ung 3 nights sa Paris siguro dagdagan pa kahit 2 days.



View of Paris from Sacre Coeur,,,



Ayun nga since MOnday nga ung Second day namin, late na kami nakapunta ng Louvre, nagpicture picture pa kami sa labas,,,







Close pala ang Museum pag Tuesday wahehehe,,, sa tuesday e Disneyland day namin,,, non-negotiable na yun hahaha,,, 

Sa Seine River 



Malamig sa Paris nung punta namin at medyo umuulan ulan din, mahangin pa kaya lalo malamig. 

May kwento ako about sa toilet sa Paris yung makikita sa sidewalk hehhee,, ihing ihi na talaga ako nun tapos nadaanan namin yung Toilet, paglabas nung matandang lalaki pumasok agad ako hehehe,, tapos pinipigilan ako nung matanda di sya marunong mag English buti na lang may dumaan inexplain sa amin na after gamitin un paglabas maglilinis yun ng kusa bago ulit magamit,, ang bonggels di ba,, kaya malinis na sya pagpasok ko,,, sana sa Pinas may ganun din,,, 





and we ended our Day 2 in Paris sa Hard Rock. Mga 1 am na ata kami nakaalis dun, medyo hassle lang kasi malayo yung hotel namin sa Champ Elysees area, nag taxi na kami pauwi nagulat ako kasi mura lang yung taxi 7 euro lang from Hard Rock hanggang sa hotel namin sa Montmartre.

***more pics on my facebook account =)


5 comments:

  1. God I'm so inggit ulit ulit lang haha Na-enjoy ko each picture.. Wishful thinking ko, the next time we meet.. alam mo na kung saan haha

    ReplyDelete
  2. hello D! mura lang kasi from here parang pinas to sg lang kaya gumora na kami, saka di na ulit namin alam kelan ulit makakatravel mag winter na naman e hirap gumora. oo next time doon na ang chikahan natin, : )

    ReplyDelete
  3. jetsetter ag peg mo Ms. G! ang saya lang naman talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi Donna, naku wish ko lang maging jetsetter na walang iniintinding budget hehehe,, tyagaan talaga maghanap ng promo tickets. have a great week donna. kudos to your daughter's achievement ( i have read your blog about it kakatuwa) proud mommy momment. : )

      Delete
  4. sis i love ur photos :) grabe i miss paris , nayhahaha sana makapunta kami dyan ni h2b hehehhe

    ReplyDelete