Wednesday, May 22, 2013

Welcome To Our Empty Home =)

One of our major itinerary in the Philippines was the turnover of our home, wala pa syang laman na gamit pero it filled a lot of joy in our hearts the moment we saw our place. Honestly at first hindi ako impressed sa picture kasi yung color theme is brown e alam nyo naman ako, tapos we used to live in HDB in singapore kaya naiimagine ko na yung corridor na similar sa HDB, pero carry lang basta alam ko maganda yung place at ok ang developer namin, yung design sabi ko pwede na yun pagka turnover saka I am also dreaming pa din naman ng landed na house pero sa province namin, for now this is what we need,, we got a corner unit din kaya may privacy kahit papano. Love at first sight nga ang naganap kasi yun pa lang yung first time namin sya nakita, sa entrance pa lang happy na ako.
We can't imagine na finally may bahay na kami, kaming mag asawa, may address na kami sa Pinas,, ang saya lang =)

Nung unang punta namin, since kasama namin family ni Mark e tipid yung kilos basta ang alam ko lang kinikiliti ako ni mark palagi at hindi nya binibitawan ang kamay ko, tapos sabi nya wag na muna namin iparenovate kasi sayang daw lumain na lang muna, ako sobrang agree kasi another gastos na naman yun e magiging single income na lang kami, tapos magastos din dito sa Norway mahal ang bilihin, pero before kami bumalik ng Singapore Thursday night sabi balikan daw namin, kaya early morning nagbyahe na kami, nag mrt kami, tapos nag jeep hindi ko tanda kung sa libertad o sa saan basta doon hehehe,, alam nyo naman ako sunod lang ako kay mark, ang bilis din ng byahe namin cguro mga 1 hour lang nasa bicutan na kami,, nagpunta muna kami sa SM bicutan tapos bumili kami ng electric fan kasi sabi ni Mark magsusukat daw sya kaya naisip ko baka mainit kailangan namin ng fan, nagbreakfast lang kami sa Max's at nag takeout ng pang lunch namin,,
Pag pasok namin sa unit namin,, halik ng halik si mark sa pisngi hehehe,, tuwang tuwa sya,, tapos ang dami na nyang plano agad, plano pa lang naman hihihi,, dun naman nag uumpisa yun,, saka na lang namin problemahin ang budget hehehe,,





 Ang sala namin, TV lang yung laman saka electric fan,,


Ang aking masipag na asawa,,,



Nakakatuwa yung smile ni Mark dito



Ito ung view namin sa balcony sa sala,,,


Master's bedroom


Balcony ng Master's Bedroom


Common Room


 
Toilet and Bath








 Husband,, getting the detail measurement,,,




My engineer,, =)


Actually hindi na pala namin kailangan ng electric fan, kasi ang hangin sobra,, may tubig at kuryente na din e, kaya wala na kaming problema, basta magdadala na lang ng gamit pwede ng tirahan.

Our first meal sa bahay naming =)


Hopefully next na uwi namin ok na lahat, kumpleto na sana sa furnitures,, one step at a time muna,, ipon ipon na lang muna =)

6 comments:

  1. It's not literally empty ;) It's full of loooove kaya. Peg ko yung shower, yung bagong style :D Sabi nga dun sa nabasa kong book, the days are longer but the years are shorter... Magugulat ka na lang, buong buo na yan soon :D

    ReplyDelete
  2. Gusto ko rin yung starting from scratch kasi parang blank canvass lng sya.. enjoy yung imagination mo for styling your own home.. aliw!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Sis Cheekee, oo nga aliw nga ako magtitingin ng designs, ipon lang muna ng budget pang pa reno,, =)

      Delete
  3. congrats on your new house. yung unit namin bare-finished pa. pero 3d layout palang, kinikilig na ako.
    you have nice view din. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Chasen, I saw the layout ang ganda, congratz din sa inyo ni hubby mo. God bless you both.

      Delete