Tuesday, December 11, 2012

Heartbreaking Sunday

Sorry naman at naging tahimik ako simula last week, alam nyo naman ako pag may dinadamdam, well, sobrang sad lang at hanggang ngayon di ako maka get over sa nangyari kay Pacman. I was so excited before his fight with Marquez, alam na alam ko na mananalo sya. Fan na fan talaga nya ako,, I admire his humbleness, his faith in God, his attitude inside the ring, mabait sya talaga, walang yabang kung makatama man sya ng suntok, hindi madaya, saka yung kung paano sya talaga nagsimula sa wala nakaka inspire. Nakakalungkot lang talaga ang pagkatalo nya, the first time he fell on the 3rd round at umiling lang sya at ngumiti, nakampante ako at sabi ko wala lang kay idol yun, sumisigaw ako babawi yan babawi yan,, at tama nga ako biglang mas gwapo na si Pacquiao kesa kay Marquez dahil sa mga suntok na natanggap nya kay Pacman. hayzzzz,,,


Ang ganda ni Jinkee


Me and hubby watching together


taas ang kamay may palakpak pa yan habang kumakain ng tanghalian

Ako na yata pinakamaingay sa mga friends namin na nanonood, ganun talaga ako madaling maapektuhan ng napapanood, pag tinatamaan si Pacquiao napapa aray ako, at pag sya naman nakakatama ay may palakpak may sigaw at taas kamay, ganun din pag drama ang pinapanood namin lalo na pag MMK maya maya na lang tumutulo na luha ko.

Di ko na kayang tingnan ulit yung picture ni Pacman nung bumagsak sya kaya hanggang dyan lang ang pics ko, talagang may heart stopped for a few seconds until I realized that the fight is over and my idol was still lying with his face on the floor, I was so scared na baka wala na sya, and when I saw Jinkee in the screen crying my heart sank for her too, ako nga na fan lang sobrang tumigil ang mundo ko sya pa kaya na asawa, Thank God he's alive. Everything happens for a reason, God is sending message to him and to all of us.

Thank you Pacman for giving pride and honor to the Philippines, thank you for making us all proud that we are Filipino, thank you for being our inspiration. Mabuhay ka Manny Pacquiao!!!
You are still the  People's Champ!!!!

P.S. Saludo din ako sa undercard na lumaban din kay Michael Farenas, sa tapang na pinakita nya kasi magaling talaga yung kalaban nya pero ang tapang nya pa ding makipagpalitan ng suntok. Thank God at kinaya nya hanggang matapos ang laban.




1 comment:

  1. I still admire and will be proud of Manny. Ni-redeem naman tyo ni Donaire at just this morning sa Miss Universe... Sayang pero super proud pa dn :)

    ReplyDelete