Friday, August 18, 2017

Food at Home

Hello Pretties! 

How are you today? 



In relation with my post last time, I am happy to say that my baby steps for "change" or improvement is progressing. First, I lost 1kg for a week by "ignoring" hehehe my chocolates and by eating healthier. In my IG I've been documenting our food here at home for me to strive to achieve my goals pero i stopped myself kasi baka ma oa masyado, kaya gustong gusto ko talaga dito sa blog ko kasi wala naman gaano makakabasa. When I was pregnant I had GDM and tested my discipline. My doctor was actually amazed sa mga records ko and He said that my everyday sugar level looked like I don't have diabetes. Ganun ata talaga pag nanay na I was worried for my daughter talaga. Matinding motivation talaga ang kailangan. Sobrang effort lang talaga sa akin ang magluto ngayon kasi napakaclingy ni Bianca, kahit kasi nag nanap sya gusto nya pa din tabi ako, pero yun sa madaling araw nakakatakas ako to prepare kaya medyo effort talaga.

Second, very timely naman that my n@wie sister offered a workshop for us so I joined din. It is about the Law of Attraction. The workshop depends on our own pace kaya nakajoin ako kasi yung time ko talaga is mostly para kay Bianca. One of the exercises is to rate the different areas of our lives, and some part of it nalungkot ako sa rating ko but ayun I have my priorities kasi and right now it is my daughter and my husband kaya other areas like career ang mag suffer but yun nga I am positive naman na in time I will have a balance lifestyle :)

I set a goal to read a book eto hindi pa kasi di pa ako nakakalabas ng house hopefully this weekend makapunta ako ng bookstore. And isa pa pala fruits, I will add more fruits on our menu next week. Exercise? pineprepare ko pa ang mind and body ko hehehe, super tiring na kasi ang magcook and alaga ng baby pero maiisingit ko yan pramis hehehe.

Happy weekend! Enjoy! :)

Sunday, August 13, 2017

Muni-muni :)

oIn less than a month, I'll be a year older, 36 na ako! Well, second year na ito na di ako gaanong emotional pagdadating ang birthday, last year kasi I was preggy and now naman I am too busy taking care of Bianca. But still, I can't help to think of things I should do, my plans, goals and dreams. I want to empower myself but honestly I don't know how to start. Parang I was stuck na din kasi to the comfort of being home, especially now na I have Bianca (ibang level ang saya with her). I have things in mind and hopefully I can fulfill them and make into reality. I plan to start in a very simple goals like reading a book, which I haven't done for a while. Do you have any suggestions for an inspirational book? I also want to eat healthier, I want to be healthy for my daughter, ganun pala talaga I should be more responsible and discipline now for her. 
Thank you for reading my thoughts, minsan talaga dinadaanan ako ng ganito well birthday blues ba ang tawag dito? 

Happy Sunday ❤️


Tuesday, August 1, 2017

Hello August ❤️

Last month, we celebrated the 16th year of our love and commitment to each other. I was supposed to blog about us on our anniversary and was about to blog about the things we fight/dont fight about, got an idea from Maricar and Richard Poon's book (though I haven't read it yet) pero wala ako masyadong maisip eh, if meron man sa food pag gutom na ako o hindi nakuha ni mark yung gusto kong lasa pag nagluto sya hehehe tapos magtatampo yung isa kasi nag effort sya at feeling nya di ko naappreciate. We don't fight about money, my husband is very traditional na he lets the wife takes care of the budgeting, (minsan nga lang talaga nakakasakit din ng ulo especially pag may mga unexpected na gastos hehehe). Sa household chores wala din kaming issue kasi ok lang kay husband kung anong datnan sa bahay especially now na tutok ako kay Bianca, and pagdating dito buti na lang na di sya traditional na wife lang ang sa gawaing bahay, mas domesticated pa sya actually. He was seloso before ang ganda ko kasi dati (wahehe) ngayon di na seloso (di na kasi ako gaanong kagandahan wahaha) kidding aside siguro sa maturity din kaya wala ng issue ng selosan at sahm ako kaya sa bahay lang hehehe. Ako selosa ba? hmmm oo pero ako yung sa warning lang na alam mo kung ano mawawala sayo ganung epek lang. Seriously, buti na lang talaga n@wie ako andami kong natutunan about marriage, parenthood, budgeting etc, and very important talaga to build a hedge sa marriage. 
Sleep muna ako ulit, sensya na sa blog kong walang direksyon hahaha gusto ko lang talagang magkwento.


PS. isa pa pala sa ikinaiinis ko sa asawa ko ang sarap nya matulog wahehe kaya sabi ko ngayon may baby na kami di na pwede kasi kailangan namin ilabas si Bianca.