Thursday, September 28, 2017

Bangs

Hello friendships!

Musta kayo? Nag update ako ng IOS11 ayun di ko na magamit ang blogger na app. Ang tagal ko na kasing gustong magkaroon ng sariling domain hindjng hindi ko magawa hays.

Heniways, last week I got my passport na and my residence card na! yehey hooray! Ramdam na ramdam ko na talaga ang Pasko! Every morning nga nagpapatugtog na ako ng christmas songs, fave namin pakinggan ni Bianca ang christmas album ni Lea Salonga, ang ganda lang talaga ng The Christmas Song ...🎶 Chestnut roasting on an open fire 🎶 Pakinggan nyo ang sarap pakinggan daliii hehehhe



Ayun nakakahappy lang pero di ako happy sa Bangs ko hahaha, nung buntis ako ang ganda ganda ng hair ko after ko manganak naglagas ang hair ko at ayun na ngayon may mga bangs ako na alanganin ang haba wahehehe kaya please pakipray na humaba sya agad hahaha. Aww hindi ako makapaglagay ng picture, I am blogging using my phone wahhhh hassle talaga na di ko na magamit ang Blogger na appp di na kasi sila ata nag update tapos di na compatible sa ios11. I can’t post pictures here na wahehe so what to do now??? Hassle for me magblog from laptop eh.
Ayun makinig na lang muna tayo ng christmas songs hehehe. mwahugs na lang muna hehehe


Friday, September 15, 2017

Hallmark Movies

My everyday treat is watching feel good movies at night, especially when my baby is sleeping. I super like Hallmark produced movies and I want to share here my two favorites. 

Autumn Dreams


They were deeply in love and get married   but separated because they were too young. The guy went on to follow his dreams which is actually his dreams for her/them. They were reunited after learning that they were still married. Ang light lang ng movie na ito pero feel ko yung story nya ay parang mga nababasa lang sa pocketbook hehehe.


Just The Way You Are


This movie is about a couple who is married for 15 years. The wife is working as a matchmaker and decided to make an effort to work on their marriage. 

Gusto ko yung about family and marriage life story na madami ako matutunan para I know when to go back and put a spice on our marriage specially now that we are focus with our daughter kailangan mabalance namin at mag effort din to be a better wife and husband. Family is my first priority yan ang sinasabi ng Inay palagi sa akin, kaya naman sa asawa ko ang swerte mo talaga sa akin na ako ang pinakasalan mo hehehe at buti na lang din at pinagtyagaan mo ako hihihi. 

Actually ang dami ko pa gusto ishare ang tagal na nga nakadraft nitong blog ko na ito hehehe basta search nyo lang mga stories ng hallmark ang gaganda. 
Gusto ko nga ishare din mga christmas themed movie kasi ngayon nasa christmas mood na ako hehehe. 
Ang ganda ng Miracle At 34th Street movie, lumang movie na sya pero ang ganda. 

Next time ulit will post soon sana matapos ko hehehe. :)
 

Friday, August 18, 2017

Food at Home

Hello Pretties! 

How are you today? 



In relation with my post last time, I am happy to say that my baby steps for "change" or improvement is progressing. First, I lost 1kg for a week by "ignoring" hehehe my chocolates and by eating healthier. In my IG I've been documenting our food here at home for me to strive to achieve my goals pero i stopped myself kasi baka ma oa masyado, kaya gustong gusto ko talaga dito sa blog ko kasi wala naman gaano makakabasa. When I was pregnant I had GDM and tested my discipline. My doctor was actually amazed sa mga records ko and He said that my everyday sugar level looked like I don't have diabetes. Ganun ata talaga pag nanay na I was worried for my daughter talaga. Matinding motivation talaga ang kailangan. Sobrang effort lang talaga sa akin ang magluto ngayon kasi napakaclingy ni Bianca, kahit kasi nag nanap sya gusto nya pa din tabi ako, pero yun sa madaling araw nakakatakas ako to prepare kaya medyo effort talaga.

Second, very timely naman that my n@wie sister offered a workshop for us so I joined din. It is about the Law of Attraction. The workshop depends on our own pace kaya nakajoin ako kasi yung time ko talaga is mostly para kay Bianca. One of the exercises is to rate the different areas of our lives, and some part of it nalungkot ako sa rating ko but ayun I have my priorities kasi and right now it is my daughter and my husband kaya other areas like career ang mag suffer but yun nga I am positive naman na in time I will have a balance lifestyle :)

I set a goal to read a book eto hindi pa kasi di pa ako nakakalabas ng house hopefully this weekend makapunta ako ng bookstore. And isa pa pala fruits, I will add more fruits on our menu next week. Exercise? pineprepare ko pa ang mind and body ko hehehe, super tiring na kasi ang magcook and alaga ng baby pero maiisingit ko yan pramis hehehe.

Happy weekend! Enjoy! :)

Sunday, August 13, 2017

Muni-muni :)

oIn less than a month, I'll be a year older, 36 na ako! Well, second year na ito na di ako gaanong emotional pagdadating ang birthday, last year kasi I was preggy and now naman I am too busy taking care of Bianca. But still, I can't help to think of things I should do, my plans, goals and dreams. I want to empower myself but honestly I don't know how to start. Parang I was stuck na din kasi to the comfort of being home, especially now na I have Bianca (ibang level ang saya with her). I have things in mind and hopefully I can fulfill them and make into reality. I plan to start in a very simple goals like reading a book, which I haven't done for a while. Do you have any suggestions for an inspirational book? I also want to eat healthier, I want to be healthy for my daughter, ganun pala talaga I should be more responsible and discipline now for her. 
Thank you for reading my thoughts, minsan talaga dinadaanan ako ng ganito well birthday blues ba ang tawag dito? 

Happy Sunday ❤️


Tuesday, August 1, 2017

Hello August ❤️

Last month, we celebrated the 16th year of our love and commitment to each other. I was supposed to blog about us on our anniversary and was about to blog about the things we fight/dont fight about, got an idea from Maricar and Richard Poon's book (though I haven't read it yet) pero wala ako masyadong maisip eh, if meron man sa food pag gutom na ako o hindi nakuha ni mark yung gusto kong lasa pag nagluto sya hehehe tapos magtatampo yung isa kasi nag effort sya at feeling nya di ko naappreciate. We don't fight about money, my husband is very traditional na he lets the wife takes care of the budgeting, (minsan nga lang talaga nakakasakit din ng ulo especially pag may mga unexpected na gastos hehehe). Sa household chores wala din kaming issue kasi ok lang kay husband kung anong datnan sa bahay especially now na tutok ako kay Bianca, and pagdating dito buti na lang na di sya traditional na wife lang ang sa gawaing bahay, mas domesticated pa sya actually. He was seloso before ang ganda ko kasi dati (wahehe) ngayon di na seloso (di na kasi ako gaanong kagandahan wahaha) kidding aside siguro sa maturity din kaya wala ng issue ng selosan at sahm ako kaya sa bahay lang hehehe. Ako selosa ba? hmmm oo pero ako yung sa warning lang na alam mo kung ano mawawala sayo ganung epek lang. Seriously, buti na lang talaga n@wie ako andami kong natutunan about marriage, parenthood, budgeting etc, and very important talaga to build a hedge sa marriage. 
Sleep muna ako ulit, sensya na sa blog kong walang direksyon hahaha gusto ko lang talagang magkwento.


PS. isa pa pala sa ikinaiinis ko sa asawa ko ang sarap nya matulog wahehe kaya sabi ko ngayon may baby na kami di na pwede kasi kailangan namin ilabas si Bianca.

Tuesday, June 20, 2017

3 Happiness :)

Hello Pretties! 

Every day I am enjoying the new development of my child. She is such a sweet girl, gigil sobra hehehe. Happiness everyday! Speaking of happiness I want o share with you my recent happiness, pampagood vibes lang :) 

1. Heirloom by Veluz

Me and my husband were Veluz bride and groom and even before pa I told myself that I want my future child to wear heirloom. Since we are here parang ang hirap and nilet go ko na yung dream ko na yan for my daughter but I always believe na if God's will talaga walang imposible. We planned a very simple binyag para kay Bianca, basta mairaos laang namin at mabinyagan, it is not the ideal baptism na pinipicture ko before I had her but I had to let go na lang whatever plans I have in mind. Sabi ko nga sa asawa ko may ugali talaga ako na if hindi lang din talaga yung gusto ko wag na lang, in this case my ideal baptism for our baby is yung may catering or sa restaurant yung handa but since we can't do that here I planned na lang ng super simple na kahit decorations wala sa bahay. Ay napahaba na hehehe. Well ayun nga bigla na lang napag usapan sa n@w ang weddings nagreminisce kami sa gowns and experience namin with Ms V and yun ang nagpush sa akin to inquire agad agad, that was May 18 and sakto yung ninong ni Bianca uuwi ng Pilipinas at babalik din before ng binyag. I messaged agad Heirloom sa IG tapos bigla nagreply na agad si Ms Gercel ang bilis lang, deposited the payment and sent measurements then ayun na ok na. 
Kaya sobrang meant to be talaga for my baby girl to wear Heirloom. :)




And kahit sobrang simple lang ng binyag ni Bianca sobrang happy pa din kami, ang ganda ng service during her baptismal kasi Thanksgiving Sunday yun plus Fathers day pa. Our family here in Asker were there to celebrate with us kaya sobrang happy talaga kami! And finally Kristyano na ang anak namin, Thank you Lord sobra! 😘

2. Ai Designs 
I mentioned above about the group I was in na family na talaga kami to each other kahit online lang but the love and support are always there for each other. Recently naging topic yung promoting small or big businesses ng mga members and to support din. I want to share lahat but ito muna since I had my first-hand experience na. This one ang tagal ko ng gustong umorder I was just waiting for the right time and ayun na nga ganda ng timing I need to send a gift kasi and this came first on my mind.

Papercut Family Tree by Ai Design
Si Ai is one of my n@w sisters and sobrang bilib ako sa kanya, sobrang bilis lang din talaga ng transactions namin and everything went smoothly, and nagrequest pa ako kasi gift, sabi nya igift wrap nya. Sobrang natuwa talaga ako ang ganda. 



3. Kikay Essentials

Pag nanay ka na talaga iba na pala talaga, I always think of my child first before myself, kaya before I buy for myself talagang nag iisip ako ng ika ilang beses, kailangan ko ba? meron pa naman ako ginagamit etc etc unlike before magustuhan sige lang ng sige basta nasa budget hehehe. Kaya happiness na sa akin ito hehehe


Ang plan ko talagang bilhin lang ay yung lipstick at powder lang, yung perfume binili ni hubby ng di ko alam, he was actually convincing me to buy kaso ang mahal ng perfume dito nakakabili lang ako sa duty free para mura e ang tagal na naming di nagbabakasyon simula pa nung mabuntis ako, waiting pa kami ni Bianca ng visa kaya kahit sana sa nearby na KFC which is around 3-4 hours drive from here e di kami makapunta kasi outside na ng Norway. Ayun iniwan kami ni husband sa starbucks mag cr daw sya, medyo matagal isip ko baka nag ikot ikot lang normal naman sa amin yun na hayaan isat isa magtingin tingin tapos sa isa muna si baby pagbalik nya wala syang dala pero pag uwi namin pagsakay ko sa sasakyan ayun na andun na yung perfume, kung alam ko lang di na ako bumili ng powder at lipstick kuripot lang hehehe. 

Note: super happy ako sa lipstick long lasting sya. Perfume naman like ko na talaga yan before pa. :) 

So there, next time ulit sleep muna ako. super antok na 2:26am na ngayon. 


Sunday, May 21, 2017

Outfit of the Day: Floral Prints

I am in love with the floral prints especially on the dresses, always make me smile whenever I see them. This year I see more of flowery design than last year. 

The weather here is very unpredictable a week of sunshine and then suddenly a week of non stop rain. But I am hoping that the temperature here will continue to rise so that we can enjoy outdoor activities with friends and a lot of walking/bonding with hubby and Bianca.

Today we were blessed with a good weather so we decided to go out. And just because I love my pants and shoes I asked my husband to take a picture of me. 



Blouse - Hard Rock Sweatshirt 
Pants - H&M
Flats - Tieks by Gavrieli in Chestnut

I love my shoes, but I think I am still in a breaking in period. I felt pressure on my big toes, I am thinking if I should go 1 size up when I order next time, but I am crossing my fingers that using them overtime will eliminate the pain on my big toes. 

This is my first ootd post for this year, how I wish I am always like that but actually my reality is messy hair in a ponytail, wearing an extra large shirts (which is usually I borrowed to hubby) or in my pajamas, and a happy baby (which is my daily goal). 

Super fun-filled Saturday! 









Tuesday, April 18, 2017

5 Favorites :)

Hello Pretties!
I miss blogging so much! But I don't want to bore you with my rants and raves of being a mom hehehe. I hope I can slowly come back into blogging at kahit na tumitigil tigil ako babalik at babalik pa din ako, this is my space where I can really clear up my mind and where I find peace talaga. Heniways, let me start again, I want to share with you my latest favorites. 

1. My Anello Bag



I am using this everytime we go out as my baby bag. Since I am breastfeeding my daughter I don't need to bring much and all my essentials can fit to this bag. We have the jujube which is I am in love too but it is too big to use, I want to buy a smaller one but luckily I found this Anello bag which is cheaper than jujube. Although it doesn't have many pockets compared to jujube, I like the zipper on the side which has an easy access to the things at the bottom of the bag. Basta for now it is my most used bag, I want to order pa yung another type yung leather ang material para mas hindi dumihin, but I like to own all the pastel colors sana may budget hehehe. 

2. CJ's Butter

For moms and soon to be moms out there, eto ang cream na gamit ni Bianca pag may rashes sya. This cream was recommended by my friend and super effective nya talaga, pag may red pa lang pag apply ko ng cream nawawala na agad kinabukasan. Downside lang nito sa US pa sya inoorder. 


3. Ice cream bars


I was deprived talaga sa pagkain nung preggy ako kaya ngayon nagbabawi hehehe. Since mag isa na lang ako sa house, my mom went back to the Philippines last month kaya sad ako sobra pero I'm looking forward to see my family sa December! Kaya ayunag isa ako sa house kaya kailangan lahat ng food ko yung madali lang hehehe kasi very clingy talaga si Bianca, eto ice cream bar ang dali kainin hindi messy, kahit nakahiga ako while breastfeeding pwedeng pwed kong kainin hehehe. Tapos ang sarap pa nya hehehe. Yun lang ang taba ko na hehehe. :)

4. Adidas Ultraboost


I am not really into shoes kasi bihira lang talaga ako makahanap ng kabati ng paa ko. Second na lang ang style or design number 1 sa akin yung comfy sa paa. I think 2 weeks ago, my husband surprised me, sobrang mahilig naman sa sapatos ang husband ko kaya nung may nagdeliver I thought it's for him tapos bigla nya binigay sa akin sabi nya sobrang sarap daw sa paa pero yun nga totoo nga compare sa nike na nasuot ko promise. 1st time ko din magka adidas at mukhang macoconvert na ako as adidas fan hehehe :)

5. Tieks by Gavrieli


I am always searching for a very comfy na flat shoes, I was really asking my husband na gustong gusto ko itry itong Tieks kaso lang nag aalangan ako umorder kasi online lang sya, tapos sa US pa, mahal ang shipping at mahal ang tax dito plus hindi ko sure kung ano yung size ko talaga, although sobrang galing ng customer service nila kaso ang hassle lang magrequest ng pagreturn ng shoes pag di tama ang size. Daming dami kong feedback na nababasa na hindi daw comfy ang tory burch na flats kaya kahit nacucutean ako hindi ako nabili tapos nagsusukat din ako ng MK na flats parang di din tugma sa paa ko yung size kung hindi parang malaki o masikip naman yung size. Hopefully this Tieks e sobrang comfy nga, if ever naku sana gusto ko magkaroon ng lahat ng colors pag ipunan ko hehehe. I will give a feedback once nareceive ko na shoes ko.  Sobrang thankful ako kay hubbyand sa friend ko sa mommy group namin who helped me sa order ko. 

That's it, yehey!!! 4:22 am na I have to sleep na. Good morning and enjoy your Tuesday! 

God bless us all! mwahugs 😘😘😘

Thursday, March 2, 2017

How parenthood changed us...

Hello pretties! 

I've been quiet here for a while, been meaning to blog but I have a demanding and clingy baby to take care of, I am not complaining here especially if that baby is as cute as her ❤❤❤


Every time I look at her ang saya saya ko,   I thank the Lord for making me a mom. 
Before Bianca's arrival, I was joking to my friends na oh pag manganganak na ako mag FB live ako, but I never did hehehe. My husband prepared the camera para during delivery may mga pictures, pero pag andun ka na pala sa moment na yun wala ka ng pakialam sa iba ang mahalaga makapanganak ako ng safe pati si baby. And I am agreeing to the saying that sometimes the best moments are those uncaptured by the lens.

Our lives now is totally different, I can't say na mahirap sya because sometimes it is very basic, very peaceful, very quiet (literally esp when the baby is sleeping) may part din naman na mahirap pero madaling matutunan at makasanayan hehehe. I can say that we are adjusting to parenthood pretty well, but honestly speaking we are sacrificing our role as a husband and wife because we are more focused on being a mother and a father.   I am fully aware that it should not be the case but I am happy that my husband and I are both on the same track on being a parent first. We don't have our usual free and easy/romantic weekly date, but now I have this what I call famdate. If there's a chance to have a very quick escape going to the grocery stores yun na ang date namin, and I always hear my husband says how he misses "us" but the next word is about Bianca na how he adores her. I always hear na pag may anak ka na pagdating sa shopping makakalimutan mo ang sarili mo at lahat maiisip mo ay para sa anak mo, true enough ganun nga nangyayari sa akin hehehe, sa bahay pa lang alam ko na bibilhin ko like yung very recent trip namin sa mall I was thinking of buying a primer sa mac, I end up going home without that primer but a handful items for Bianca. At ito napansin ko sa asawa ko talaga, and I keep joking him about this, kasi sobrang generous ng asawa ko sa akin as in, siguro nga nakwento ko yung time na may business trip ako sa Indonesia nasa singapore pa kami nun at ako ang humahawak ng payroll atm nya tapos may allowance lang sya sa wallet nya, ayun pag uwi ko pagsundo nya may bitbit na na coach bag binili nya halos lahat nung allowance nya tapos binibiro ko sya ngayon kinakantahan ko pa lnga eh, "iba ka na pala ngayon, ganyan ka na pala ngayon" alam nyo ba yung kanta na yan hehehe kasi di daw sya makaporma ngayon magbibili ng gifts sa akin hehehe, tapos eto pa iba na yung choice of gift nya sa akin pang kusina na kasi daw magagamit din para sa food ni baby hehehe, may anak na daw ako kaya dapat daw may mga ganito na akong gamit hehehe. 


o sya, sleep muna ako, habang tulog si Bianca, maya gising ulit ako para ibreastfeed sya. Sorry sa blog ko mabilisan lang hehehe. 

mwahugs everyone! namiss ko mag blog.