Saturday, June 29, 2013

Our Not So Healthy but Happy Fridate : )

I've been trying to be healthy for the past weeks but I think I deserve to take a break just for a while hahaha. I traveled again from our home to the nearby mall from my hubby's office to meet him, success story na naman hehehe,,, medyo namimiss ko lang ang Singapore kasi walang Zara, Forever21, Esprit, Bebe, Bershka, etc dito, as in mga di ko kilala yung store hehehe, buti na lang may H&M. Kumpleto nga lang ang H&M dito, you can find L'oreal products from hair care to skin care, they have cosmetics too from Maybelline. 

I was really starving when we reached the mall so I asked my hubby to grab a meal in McDonalds, eto na ang aming not so healthy dinner



Di ko sya inubos promise, I managed to control myself hahaha, I ate half of the burger only at tumikim lang ako ng McFlurry, very good pa din ako di ba hihihi,,, 

These may not be healthy for our wallets but these are healthy for my mind and heart hahaha, pag happy ang wife happy ang life di ba hon,,, 

I got all these from H&M,,, Scarf, necklace,Maybelline nail polish, L'oreal Youth Code Luminizer Day Cream and a pants : ) happy na naman si Giday hihihi,,, 

I am not really used of not having my own salary, mahirap sya ha, I feel very guilty whenever I will buy for myself unlike before na ok lang naman kasi kumikita din naman ako, eventhough hubby always telling me na yung salary nya e sa akin lahat kasi nasa akin yung ATM at ako ang nagbubudget lahat at kilala ko naman si husband na hindi makwenta pero iba pa din yung feeling na pinaghirapan yung gagastusin, kaya pag di ko sya kasama at may nabili ako sa sarili ko mas sanay akong gamitin yung ATM ko sa Singapore, nasa adjustment period pa lang siguro ako.
Kaso good therapy naman ang shopping for me hihihi and I am not buying  yung super expensive naman, within our budget pa din.

Happy weekend everyone!!!! Mwahugs!!! : )

Thursday, June 27, 2013

Wednesday Loot from Body Shop

As I mentioned in my previous post, I have issue with my skin, mag kaaway kami hahaha,,, ako kasi gagastusan ko ang damit kesa ang cosmetics/creams dati kasi likas papaya o cy gabriel solve na ako, umaarte lang me sa loreal na cream before, pero I am satisfied na sa skin ko, ngayon ahahay Mali talaga na di ako nag dala ng whitening products hehehe,,, I am tamad din kasi mag apply apply ng cream nalalagkitan ako pero like ko ung mga facial scrub, facial wash, soaps. Kaya this afternoon I visited The Body Shop store at happy naman ako sa mga nabili ko for my face,,, I've tried the soap at yung facial scrub linis ang face ko, na tuwa lang ako sa soap na to, kung mayumi ang dove, super smooth din nitong soap na itech saka mabango sya, sosyal yung bango nya pramis.
Kung madami lang akong moolah,, gusto ko La Mer saka La Prairie yan ang wish ko kaso ang mahal kakahinayang naman gumastos ng ganun ganun lang huhuhu,,, pero I want I want talaga,,,
I bought a concealer din pala, badly needed ko talaga huhuhu.

Ang good news naman e, I lost 4kg na ulit, less rice and no pork pa din kami, mostly fish and veggies kami, sa veggies I used tofu instead of pork or meat. Actually nag kcrave na ako ng meat hahaha, kaya last monday I asked hubby na maghanap kami ng roasted chicken miss ko na yung parang Kenny Rogers's sa atin, hay sarap nun kaso wala kami nakita we end up eating bourbon chicken saka yung chicken pesto kaso breast yun ahahay, ako kasi like ko thigh,,, pero oks na din kesa fried fish hehehe,,,

Share ko lang itong broccoli, cauliflower and carrots with tofu and oyster sauce,,, madali lang sya, masarap sya kahit walang meat, tofu na ung pangreplace ko sa meat,,




Hope everything is great with you mga friends!!! Cheers!!! : )


Monday, June 24, 2013

Lip Balm Glam

Happy Monday everyone!!!

I just noticed na palaging food ang topic ng blog ko hehehe,, nakakagutom na ba,, hehehe,, kaya naman I want to share my everyday must-have for my lips. My skin is still adjusting in the new weather I am in, as in I dont know why I have a lot of pimples since I came here, akala ko it is just because of the "time of the month" pero ganun pa din, and siguro lahat ng nakikita ko dito ay mapuputi kaya I am desperately want a whitening cream na wala ako makita dito wahehehe,, wala din akong papaya soap and CY Gabriel, please send me please please,,, basta feeling ko ang dark ng face ko huhuhu, I have enough sleep and rest, sa mga beauty experts dyan please recommend a good products na affordable naman saka nga pala, I've tried the vichy illuminating cream pero waley pa din paubos na sya and I think hindi sya for me, walang whitening na L'oreal dito puro anti aging lang wahehehe,,, ok enough na sa aking pag rant.

Eto naman ang win win finds ko, I got this in the airport when I arrived here more than a month ago, I've tried burt bees na at nagsawa ako, I was really looking for a good lip balm, I had problem kasi with my lipstick na matte finish, nagbubuo buo sya and recommended nga is to apply muna a lip balm then wipe it with a tissue saka apply the lipstick.





Meet my lip balm and lip maximizer,,, I so love them,,, I dont need to wear lipstick anymore because of the pinkish color of the lip balm on my lips, and my lips are very soft,,, so stylish and elegant pa ang look nila, girl na girl ang bonggels di ba.

Oh shalala,, I need to prepare na, may badminton game kami today,, happy happy!!! =)))

Friday, June 21, 2013

Pad Thai and the Weekend

We love thai food, Mark stayed in thailand for about 3 months for work, that's why Thailand is close to our hearts, his assignment there gave us extra budget for our wedding. My first time in Thailand was very memorable, it feels like home, parang nasa Pinas ako, great food, warm people and very affordable lifestyle. Whenever we go to Thai Restaurant my husband always order their Tom Yum Kung, they have two types, ung isa ung creamy soup, and the other one is yung clear lang yung soup nya, I like the creamy soup better, me naman is either the fried chicken wrapped in a leaf, or their sweet and sour fried fish and mango salad. I never go for their noodles until one day Pad Thai was introduced to me in one of our office dinner, libre kaya go and try ang lola nyo, and surprisingly I loved it.
Our fridate was Ikea date again, I had to take a bus from home to a mall near my husband's workplace kasi his workplace is near Ikea compared to our home, Mark sent me a detailed instruction from the bus stop to the mall and the time I should be arriving, He left his phone to me so that I can still message him while he only used his office landline, I emailed him in his office email addy the time I hopped on the bus and when I reached  my destination, yep, I survived, usually kasi may screen yung bus na may location ng stops,pero wala yung bus na nasakyan ko, it was my first time to ride a bus alone din. Mark's time off is 4 pm, I reached the mall at about 3:35 pm, didn't I know na masyadong kabado at excited ang husband ko kaya he left his office very early para same time ang dating namin, ako naman I was thinking na maybe kaya he wasn't answering my message was because he was in a hurry to finish his work so that he can leave at 4 pm sharp kaya I walk around and around window shopping yun pala my husband was too worried na pala, he went to the bus stop pala before ung bus stop malapit sa mall hahaha, may cases pala na nag iiba yung route ng bus so un ung kinakatakot nya, luckily he found his officemates inside the mall and we found each other na hahhaa,, had our early dinner in Ikea, and bought our 2 seater sofa, happiness,,, it fitted rightly in our small sala.
We were supposed to watch the After Earth movie but we waited for our sofa to deliver last Saturday, ganun din pala sa IKEA like ung mga cabinets nila DIY din pala yung sofa hehehe,, pero very easy din naman to assemble, kaya when we went out very late na closed na ang mga shops, we were hungry na din kaya we went to this thai restaurant, hayyy,, finally medyo nakakita kami ng kainan na hindi masyado expensive, at madami ang servings, plus masarap din ang food.

here is my Pad Thai:



Mark ordered his favorite Tom Yum Kung ( alam nyo na mahilig sya sa may sabaw)


It's friday na tomorrow, hindi ako tutulog hehehe finals ng NBA e 3 AM kasi sya dito wahehehe,, =))

Friday, June 14, 2013

A-Z (ABOUT ME)

Attached or single?
I am happily MARRIED to my one and only ex-bf  =)





Best friend/s?
Carmina from elem and hs, Fatima (majal), Mazhe, Jaz, Jamie

Cake or pie?
cakes, chocolate cake, cheese cake (miss ko na ung sa CBTL)  


.


Days of choice?
Weekends, my birthday, Christmas Day, Anniversaries, =)

Essential item/s?
my phone because I always want to be connected to my family and friends; my engagement and wedding rings hindi na ako sanay na hindi sila suot kahit sa bahay lang ako at hindi ko na natatanggal sa daliri ko bago matulog.

Favorite color/s?
I love red, pink and green

Gummy bears or worms?
I've never been a fan of these two, kahit na nauso uso sya dati. 

Hometown?
I'm from CANDELARIA QUEZON!!! MABUHAY!!! (pageant ba ito hahaha)

Indulgence?
Chocolates, Spa, Facial, Books, Clothes and Bags, Accessories

January or July?
January, it is my Inay's birth month, and a month of full of aspirations, hopes and dreams,,, =)

Kids?
Hopefully by God's grace we will have our own soon,,, =)

Life isn't complete without?
Life is not complete without God and my family. They are my strength and source of happiness. =)

Marriage date?
May 17, 2007 and renewed our vows after 3 years May 17, 2010 =)


Number of brothers & sisters?
I have only one brother na mas mabait kesa sa akin =)



Orange or apple?
Orange pero dapat matamis, I dont like fruits actually hehehe,,,
Phobias?
I am afraid of snakes eeekkk,,,

Quote? 
Practice makes perfect. It is all about hopes and nth chances aiming for perfection.

Reasons to smile? 
Blessings from God, love from my husband and my family.

Season of choice?
I love Summer, too bad I didn't have any summer escapade this year and last year, I really miss the beach, summer break, my mother is a teacher, so when I was younger I love everyday of summer because my Inay was always at home =)

Carry pa nya ako hehehe,,,

eto kine carry ko lang hahha!!!

Tag 5 people? 
I am tagging AC and everyone who reads my blog (sana meron)  =)

Unknown fact about me?
Sa daldal ko ata dito sa blog ko e parang wala naman ng unknown facts about me hehhee,, 
I am a perfectionist,,, maniwala kau please hahaha kahit na I'm burara I'm perfectionist hahaha, contradicting ba,, but that's true,,, ayoko ng pwede na, cge na,, pag ganyan e labag na sa loob ko un at wala na lang akong magawa but I will really try so hard para maging ok na ok hehhee,, Maselan ako sa food, wahhh,, I am always being judged for this, I am not maarte ayoko lang ng maduming food, I would rather eat skyflakes (w/c I dont know kung malinis din) kesa sa other karinderya na pawis na pawis yung nagsasandok na parang basta basta na lang, medyo sinisilip ko din ung kitchen and how they wash the dishes basta ganun kaya gusto ko palagi dispossable, di ako fan ng hawker kaya I always bring homecooked food, imaginine nyo how Mark suffered to me during college days hehehe,, buti na lang dati my suki akong karinderya sa tapat ng dorm namin mas mahal compared sa iba pero sabi ko kay mark sa 5 pesos na idadagdag e mas gusto ko yung makakain talaga ako, I am particular also sa rice, basta cge na nga (arte ko premyo ko hahhaa kuya kim lang)
I am generous na tao hehehe,, kuripot ako sa sarili ko pero hindi sa iba, I will give yung alam kong magugustuhan kesa bumili ako na hindi naman gusto, pag may pinamimilian akong dalawang bagay at konti lang ung price difference e dun na ako sa mas mahal na mas ok. I go for quality over quantity. 
I always consider other people sa lahat ng sasabihin ko gagawin ko, I always always think how will they take it, kaya careful ako palagi I dont like to offend anyone ganun, marunong akong magbigay, kung sa team kami e palaging mas binibigyan ko ng consideration yung gusto ng iba, yung kaya kong mag effort for others, the problem naman with that e iba iba ang tao, like pag bigla napunta naman ako sa situation palagi ko inaanalyze na if ako sya ganito ang gagawin ko kaya nadidisappoint ako, kaya minsan natatanong ko si Mark kung alin ba ang tama ang masyadong magbigay o maging makasarili, minsan nakakadala din kasi eh. In my part I know the difference of expectation e kesa sa APPRECIATION. 
I am a lampa, ganun kahit patag yung nilalakadan natatapilok pa din ako wahehhee,, 

Vegetable? 
lahat ata e kinakain ko, sign of aging hehehe nung bata kasi ako hindi ko masyado gusto hehehe,

Worst habit? 
hahaha,, I always pull my hair hahaha,, basta pag naramdaman ko medyo kulot sya binubunot ko hahhaa,, kaya ang daming hair sa sahig, saka pag stressed din ako basta ganun hihihi.

Xray or ultrasound? 
I hate them both hahaha, pero cge na nga kasi madali lang ung Xray kaya Xray na lang, pag preggy naman ako gusto ko yung ultrasound, pag di preggy nerbyos ang aabutin ko hehehe,, 

Your favorite food/s?
Adobo, pasta, desserts, dun na lang tayo sa buffet hahaha,,, I love food talaga e =)
Zodiac sign? 
Virgo

Thank you Diane for tagging me,, =))

Thursday, June 13, 2013

Foodie: Ginataang Salmon

We've been staying up late since Monday, kaya after dinner tonight we found ourselves sleeping in the sala, kaya gising na gising kami ngayon and I have time to post this not so new recipe, alam nyo naman ako basta may coconut milk na ulam masarap for me, sa ulam kasi I like it better yung ma sauce na iga, si mark naman mahilig sya sa mga nilaga at sinigang basta ung may sabaw. No pork policy pa din kami kaya I think of other ways how to cook salmon or fish, kasi before mag fishing si Mark ang almost available lang sa supermarket ay salmon, kaya kungdi fried salmon e sinigang na salmon ang ulam namin. We've been craving pork na pero stick pa din kami sa rule, so instead of bicol express, I cooked this ginataang salmon, kasing sarap pero healthier, o diba diba,, =)



Ingredients:

Salmon cut into small
coconut milk
siling haba
eggplant
salt and pepper
sugar
garlic
vinegar
olive oil/or any cooking oil

How to cook:

First, seasoned the salmon with salt and pepper, fry it (para hindi masyadong malansa) then set aside.
In a new pan, saute the garlic and the chili (siling haba) in olive oil, put the coconut milk and let it boil for a few minutes, add salt and pepper, put the eggplant and let it cook, add the vinegar and sugar ( i like medyo spicy na matamis e) let it simmer until the sauce is thick, now you can add the fried salmon,,, and voila you have a super yummy and healthy easy-peasy meal. 

Wednesday, June 12, 2013

Fishing Is Fun

Hello friendships!!!

It's been a week since my last post, medyo dinaanan ako ng pagka tamaritis hehhee,, I always wake up at 7am, tapos after ni Mark umalis balik higaan ulit ako, gising ng 11:30am, brunch, facebook at nood ng movies o TV series, prepare our dinner, kwentuhan with hubby, then sleep na, every day routine ko yan this past week, except for Monday kasi may badminton kami.
Last Monday, Mark picked me up para maglaro ng badminton tapos after ng laro may fishing sila, uso yun ngayon dito e, ang sarap ng feeling nang nakakahuli hehehe,, kasi tipid na kami sa ulam hehehe,,

this was taken last Monday, kaya nag match sa luto kong bulanglang.  Our ulam last Monday:



with my favorite sawsawan hehehe,, suka na may alamang hehehe

Last night Mark brought me this, he was very happy yun pala yung feeling ng mga fishermen pag may huli noh yung gustong mag uwi sa pamilya ng isda, tapos tuwang tuwa din yung asawang dadatnan. 



Hubby will cook tonight,, sweet and sour fish na hehehe,, 

School Time

Summer break is over in the Philippines, back to school na ang mga bagets. Nakaka miss din pala yung time na pumapasok, yung feeling na nakakakaba every first day of the class at the same time nakakaexcite din,, aminin, nakakaumay din yung kada subject e magpapakilala sa teacher hehehe,,,
Dahil namiss ko ang school, eto mga pinanood ko. Every Child Is Special, it is a Bollywood film, I got curious to watch this because of the movie 3 Idiots, pero if I will compare the two mas gusto ko yung 3 Idiots medyo  na bored ako sa Every Child e, saka mas nakarelate ako sa 3 Idiots college life un tapos engineering pa course nila.


Another movie that I watched is Pitch Perfect, I love this movie it's like Step Up ung level hehehe,, ang sarap lang pakinggan yung mga songs na ginamit nila sa movie, very kapanahunan ko hihihi,,


And because di agad nagkaroon ng update ang Candy Crush, I was able to finished this TV series that I really love, The Carrie Diaries. I love her clothes at ang ganda lang ni Anna Sophia Robb who portrayed as Carrie Bradshaw, ang ganda ng eyes nya and her hair ang sexy, makukulay at mahilig sa printed ang outfits nya. Good news is my Season 2 na sila.


Sana sana magka TV series din ang Shopaholic I love Rebecca Bloomwood too!!! =)




Thursday, June 6, 2013

Foodie: Okra Omelette

We still dont eat pork, kaya palagi ko na lang naiimagine ang lechon kawali hahaha,, ang dali lang kasi nung gawin, tapos ang sarap, crispy,,, yum yum,,

I have a couple of friends na hindi kumakain ng okra according to them they dont like the texture yung pagka slimey ng okra, ako nman one of my favorite yan ung nilaga lang tapos sawsaw sa toyo at kamansi super sarap nyan. Kaya for those na ayaw ng slimey okra, here's one thing you can do Tadah Okra Omelette,,,



Ingredients:

butter
cherry tomatoes
Okra/lady finger
egg
olive oil

Slice the okra, with this di nyo mararamdaman ung pagka slimey nya hehehe,, Mix it with butter, egg and tomato. Heat the pan with olive oil, put them all together sa pan, wait until it cooked,, then voila you have a very yummy Okra Omelette.

I usually put cheese whenever I make my omelette but this one we used butter, and another tip is dont scrambled the egg too much, just mix it lang.

That's all,, weekend is getting near,, hooray!!! God bless us all. Mwahugs!!! =)



Tuesday, June 4, 2013

SoundCloud for Jaz

Hello friends,,,

Musta kau? Nakakahiya mang ishare di ko kasi maipost sa Facebook hahaha,, actually mas like kong mag post ng pictures etc dito kesa sa Facebook kasi onti lang naman nakakabasa ng blog ko hehehe,,

I am a Sharonian alam nyo yan, at kung maibabalik ko lang ang panahon maglulupagi ako sa inay para dalhin ako sa music school para maturuan akong kumanta hihihi,, passion ko ang pagkanta kahit di maganda ang boses ko, kahit nung nasa pinas pa kami pumupunta kami sa videoke ni mark sa SM hehehe at kanta ako ng kanta dun imagine kami lang dalawa un ha, at kahit sintunado oks lang hihihi,, Nung nasa singapore kmi, may magic sing yung friend namin, tapos kami ni Jaz tuwang tuwa kanta kami ng kanta pag Saturday ng hapon sarado ang pinto at bintana namin takot kasi kaming magalit ang kapitbahay, dahil si Jaz ay magaling kumanta palagi kaming duet ako yung mababa yung nota sa kanya lahat ng mataas na nota hehehe,, kaya tuwang tuwa ako kasi makakanta ko yung mga kanta ni Sharon.

When we moved here, I kept asking mark kung wala bang videoke dito hehehe,, buti na lang I discover this Souncloud ang ganda mag record hehehe,, nagdownload din ako ng Yokee parang videoke din para may sinusundan ako habang nagrerecord.

Yung song na Sana'y Wala Ng Wakas e di mawawala sa lists namin Jaz, minsan yan ang finale pa hehehe,, kaya umpisa pa lang emotional na ako,, si Mark alaskador pa hehhee pinagtatawanan pa ako,, pero talagang iyakin na ako hehehe,, kahit dati pa pag kumakanta basta buhos emotion eh hihihi,, saka kaya ko ung umiiyak tapos pinagtatawanan yung sarili hihihi after ng kanta na yan I was really sobbing, Mark went to me and hugged me lalo ako naiyak ewan ko hehehe. Wala na akong narecord pa pero pag nakarecord ako ng maayos share ko din dito hehehe,,
Sa mga Frends ko na mahihilig kumanta pagkakataon na natin to,, download na Soundcloud hehehe,,

Eto na yung link sensya na sa boses ko ha,,

Sis Jaz I miss you sana maulit ulit ang videoke moment natin hehehe,, mwah!!!

https://soundcloud.com/zigrid-1/sounds-from-saturday-night