Here is the hotel lobby:
I requested for free upgrade sa room hehehe,, but the receptionist told me na madami sila guests, but she gave me a room in the higher floor so ok na din, then I just gave a 50sgd guarantee deposit, nagulat nga ako kala ko mga 100sgd ang hihinging deposit sa akin.
Eto na yung room:
The view from my room:
True enough binigyan ako ng magandang view, swimming pool.
And see that Raffles City, that is the nearest mall, as in tatawid lang at yun na, dun din yung way papuntang MRT.
All in all ok naman yung room, medyo plain nga lang yung bathroom and luma na din yung mga tiles, hindi sya yung type ng hotel na pang luxury staycation, pero very convenient ang location nya, kaya di din ako nahirapan saka ung mga guests sa baby shower na puntahan yung hotel, there's a Cold Storage kasi sa Raffles City kaya lahat ng last minute na kailangan namin madali lang namin nabili, like condiments, drinks, etc. hindi din strict sa guest yung hotel, you will need a card to press the floor na pupuntahan mo, e that time alam nila yung room number kaya nag paassist lang sila, the receptionist called me na there are guests na gustong umakyat sa room ko, tapos nun nag confirm ako, inassist na din nila sa lift.
Ah ito pa pala, ang alam ko lang ay kasama na yung breakfast sa binayadan ko, pero naghanda ako for additional charge para sa internet access, nagulat ako kasama na pala yung 24 hour internet access sa binayadan ko.
The buffet breakfast is the typical breakfast sa hotel, ako kasi basta may egg at bacon masaya na ako, but I saw a lot of fruits din, may congee din, may sausage, may salad, may oatmeal, may mga pastry din, may siomai, chicken bao, hindi ako masyado nag ikot kasi ok na ako sa bacon at egg, hehehe,,
I requested for late check out, binigyan ako until 1:00pm, pero 12 pm nag check out na ako, buti na lang pinay yung receptionist bilis lang ng check out ko, may naconsume ako na bottled water kaya yun lang yung binawas sa deposit ko.